1 share ng capital stock ng tatay paano kaya makukuha?
DEAR Aksyon Line,
Good day po!
Ako po si Flocerfina Gadaingan Imperial, 74 years old, nakatira po ngayon sa Purok Canlambong, Lower Punong Bato, Leyte.
Pasalamat ko po sa pirasong papel na ibinalot sa tuyo sa merkado na may Aksyon Line at address ninyo.
Sana maintindihan po ninyo ang tagalog ko.
Ang problema ko po ay ganito: ang tatay ko po ay isang sundalong beterano at isang USAFE at nanay ko ay isa ring veteran at naka-assign sa medical mission. Sila ay pareho nang patay.
Ang tanong ko po kung mayroon po ba kaming matatanggap as dependent children gaya ng aking narinig sa radio? Hindi ko po alam kung ano ang gagawinko.
Kaya nagpapasalamat ako kung matutulungan po ninyo kami. Apat pa po kaming magkakapatid na mga senior citizens na po at mayroon nang mga sakit.
Mayroon pang mga Xerox copies na ipinadala ko dito sa sulat ko po, kung maaari ay masulatan po ninyo ako, nasa bundok ho kami nakatira sa Bato, Leyte at walang newspaper na pumapasok dito sa amin.
Kaya nag c/o lang ako sa aming kakilala na nakatira doon sa munisipyo ng Bato. Sana siya ang makatanggap sa sulat at ibibigay sa akin.
Ano po ba ang aking gagawin sa one share of capital stock ng tatay ko? Ang Xerox copies ay kasama nitong sulat.
Maraming salamat po at tatanawin ko pong malaking utang na loob sa inyong tanggapan at sa iyo rin.
Salamat.
Respectfully yours,
FLOCERFINA G.
IMPERIAL
c/o Mr. & Mrs. Jose dela Cruz
Brgy. Tinago, Bonifacio St.Lower Punong Bato, Leyte
REPLY: Maraming salamat po sa inyong liham.
Makaaasa po kayo na agad kaming makikipag-ugnayan sa kinauukulan na may kinalaman sa inyong mga tanong.
Sa sandaling makakuha kami ng tugon mula sa tamang ahensiya na aming lalapitan, ay ilalathala namin dito at magpapadala rin ng sagot sa pamamagitan ng koreo.
Salamat po.
Aksyon Line
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.