Duterte nag-alok ng P1M pabuya para maaresto ang mga napalayang 1700 convicted criminal
NAG-ALOK ngayong gabi si Pangulong Duterte ng tig-P1 milyon pabuya para matiyak na maarestong muli ang 1,700 convicted criminals na nauna nang pinalaya ng Bureau of Corrections (BuCor), kasabay ng kautusan na hulihin ang mga ito ng “dead or alive”.
“If I were you mag-surrender na kayo to the nearest police or military detachment wherever you are now because I do not need to have a warrant. I will just order them and I take full responsibility for this. And all consequences connected with this decision will be mine and mine alone,” sabi ni Duterte sa isang press conference sa Malacanang.
Tiniyak ni Duterte na may sapat na pondo para sa reward money para sa mga convict.
“Kaya kayo mag-surrender kayo. P***** i**, bantay kayo. I can… Nag-compute ako sabi ko kay Dominguez kung may pera siya. Sabi ko I would need about sabi ko 1 billion 700 thou — million — 1 billion 700 million. Sabi ko na, “maghanap ka ng pera.” ‘Pag hindi 1 million per head kayo dead or alive,” ayon pa kay Duterte.
“Ako preferably — you know my predilection. Bakit pa ako — bakit pa ako p*** gagastos para pakainin kita, bigyan mo ako ng problema, makalayas kayo ulit, problema na naman. Tapusin na natin ngayon,” sabi pa ni Duterte.
Ito’y matapos namang umabot na sa 1,700 ang napalaya ng BuCor sa ilalim ng pamunuan ni BuCor chief Nicanor Faeldon sa ilalim ng good conduct time allowance (GCTA) law.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.