Kris Bernal patuloy na binu-bully dahil sa kapayatan: Bahala sila, dedma na lang... | Bandera

Kris Bernal patuloy na binu-bully dahil sa kapayatan: Bahala sila, dedma na lang…

- September 05, 2019 - 12:01 AM

KRIS BERNAL, RAYVER CRUZ AT MEGAN YOUNG

WALA nang pakialam si Kris Bernal sa mga netizens na ayaw pa ring tumigil sa pambu-bully sa kanya sa social media.

Ayon sa lead star ng afternoon series na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko, tuluy-tuloy pa rin ang panunukso sa kanya ng mga bashers dahil sa kanyang katawan. Halos araw-araw daw ay may mga nagko-comment tungkol sa kanyang kapayatan.

Pero aniya, hindi na siya nagpapaapekto sa mga pang-ookray sa kanya ng mga haters at lalong hindi niya babaguhin ang kanyang health and fitness routine para lang i-please ang mga ito.

“I’m always body-shamed. People think I’m too skinny, they say that I look like anorexic, na may sakit daw ako,” pahayag ni Kris sa panayam ng GMA 7.

Dugtong pa niya, “But for me kasi, as long as I am happy with this body and it gives me confidence, I don’t really care.”

Aniya pa, ang regular na pagpunta niya sa gym ang isa sa mga paraan ng kanyang pagre-recharge dahil hindi lang siya stress sa halos araw-araw na taping para sa kanyang teleserye kundi pati na rin sa kanyang cosmetic business at restaurant.

“I feel more healthy with this body. Doon ako sa nagbibigay ng confidence sa kin rather than, magpapataba ako. I feel lousy. I don’t feel myself kapag hindi ako nakakapag-workout,” aniya pa.
Payo pa ng leading lady ni Rayver Cruz sa horror-suspense-drama series na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay

Ko, sa lahat ng mga tulad niya na nakaka-experience ng body shaming dedma na lang daw, “For as long as they are confident with their own body, wala silang dapat ipaliwanag. At hangga’t wala kayong inaagrabyadong ibang tao, fight lang nang fight.”

Samantala, sa pagpapatuloy naman ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko sa GMA Afternoon Prime, mas titindi pa ang galit at gagawing paghihiganti ni Naomi (Kris) kay Matteo (Rayver) dahil sa ginawa nitong panggo-ghosting sa kanya. Desidido na siyang isama ito sa hukay para muli silang magkasama.

Pero hindi titigil ang pamilya ni Matteo, lalo na ang asawa nitong si Yvie (Megan Young) para mapabalik sa mundo ng mga patay ang kaluluwa ni Naomi. Magtagumpay pa kaya ang mga tutulong kina Matteo para mapalayas na sa mundo ng mga mortal ang naghihiganting kaluluwa ni Naomi o may kailangan pa silang isakripisyo para sa kanilang katahimikan?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huwag na huwag bibitiw sa mas umiinit pang mga tagpo sa Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko mula Lunes hanggang Sabado sa GMA after Eat Bulaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending