Hello ateng Beth.
Gusto ko na sanang hiwalayan ang girlfriend/misis ko. Napakairesponsable kasi niya. Hindi niya maalagaan nang mabuti ang anak namin.
Laging nasa kapitbahay dahil sa Bingo. Sugal nang sugal. Pagdating ko mula trabaho, walang pagkain tapos ‘yung anak namin hinahayaan mag-isa sa bahay habang natutulog.
Two years old lang anak namin. Gusto ko na siyang iwan at isasama ko ang anak ko.
Uuwi na lang kami sa nanay ko sa Bulacan para mabigyan nang pagkalinga ang bata.
Tama ba ang gagawin ko?
Andy, Sampaloc
Magandang araw sa iyo, Andy.
Kung ganyan ang problema mo, bakit nag-iisip at nagtatanong ka pa sa akin? Kung hindi naman naman pala siya makakatulong sa mabuting paglaki ng anak ninyo, then go, and leave her. Hayaan mo na siya sa kanyang pagbi-Bingo baka ikayaman niya iyon.
Pero, on second thought, kausapin mo muna siya nang masinsinan. Alamin mo sa kanya kung bakit ba niya ito ginagawa at natutuwa ba siya na napababayaan niya ang inyong anak. Tapos sabihin mo sa kanya na ikaw ay hindi natutuwa sa nangyayari dahil napababayaan nga niya ang inyong anak. Isa-isahin mong ipaliwanag sa kanya. Tapos bigyan mo ng ultimatum.
Ipaalam at ipakita mo sa kanya na may gagawin kang drastic move kapag hindi siya nagbago.
I think kung lulong na sa sugal ang GF/misis mo, kahit Bingo lang ‘yan ay mahirap iyang gamutin.
Para sigurado ka, magdala ka o magpa-witness ka sa isang social worker. Hindi ko alam kung paano ang proseso pero kumonsulta ka pa rin para sa benepisyo ng iyong anak.
Ang priority mo ay mapatunayang hindi na siya nagpapabaya sa inyong anak. Kapag may social worker, matitiyak natin ang kaligtasan ng bata.
Kung magbabago siya, e, di maige, pero wag ka rin masyadong umasa.
Maghanda-handa ka rin na mapunta sa iyo ang lahat ng responsibilidad ng pagapalaki sa anak mo.
Tapos kausapin mo rin ang nanay mo bago bitbitin sa kanya ang bata.
May nais ka bang isangguni kay Ateng Beth? I-text sa 09156414963.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.