Osang sa isyu ng LGBTQ+ CR: Kung ano ang kargada mo, du’n ka | Bandera

Osang sa isyu ng LGBTQ+ CR: Kung ano ang kargada mo, du’n ka

Reggee Bonoan - September 01, 2019 - 12:36 AM

BLESSIE AT ROSSANA ROCES

PAGKATAPOS ng mediacon ng teleseryeng Pamilya Ko ay natanong si Rosanna Roces tungkol sa isinusulong na SOGIE (Sexual Orientation and Gender Identity and Expression) Equality Bill.

Bukas naman kasi sa publiko ang tungkol sa relasyon nila ng kanyang lesbian partner, “Alam mo, ayaw kong sagutin ‘yung mga tanong na hindi naman ako pamilyar. Ikinasal kami pero ritual lang ‘yun.

“Pero hino-honor siya sa mga bansang pasado ang same sex marriage. Kunwari nag-abroad si Blessy (Arias, partner niya) sa Canada, kinuha niya ako, iho-honor ‘yun,” paliwanag ng aktres.

“Pero kung isasabatas ang SOGIE Bill, hindi ko alam kasi hindi ko pa alam ang bill na ‘yun at kung ano ang gustong iparating, kaya nga ayaw ko sumagot ng hindi ako pamilyar. Ako kasi, mas una sa akin ang karapatan bilang tao. 

“Ako mismo sa sarili ko puwede akong lumugar sa mga lesbian at puwede rin akong maging straight,” sabi pa ni Osang.

Kapag parehong pumapatol sa tunay na lalaki at babae ay “AC-DC” ang tawag, “Ako 350, di ba?” birong sabi pa ng aktres.

Ang katwiran naman ni Osang pagdating sa paggamit ng comfort room sa mga business establishments, kabilang na ang mga restaurants, “Ang sabi ko nga Reggee, kung ano ang kargada mo doon ka, ngayon na wala pa, kasi may hygiene rin naman kaming mga babae na pinoprotektahan.

“Bakit naman ang mga kagaya ni Blessy ay hindi naman nagpupunta sa kabila (CR ng lalaki) kasi ito ang kargada nila kaya sa pambabae pa rin sila. Pag ‘yung mga transgender at ihalo mo, paano naman ang hygiene ng mga babae. May karapatan din kami,” paliwanag niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending