JC Santos ayaw magplaster sa love scene; bukol nag-hello kay Arci Muñoz | Bandera

JC Santos ayaw magplaster sa love scene; bukol nag-hello kay Arci Muñoz

Ervin Santiago - August 29, 2019 - 11:55 PM

PARA sa filmmaker na si Andoy Ranay, ang pelikula niyang “Open” ang pinakamatindi at pinaka-wild na nagawa niya bilang direktor. 

Isa sa mga official entry sa 3rd Pista Ng Pelikulang Pilipino ang “Open” na pinagbibidahan nina Arci Muñoz at JC Santos. Ayon kay Direk Andoy, napakaraming ginawa ng dalawa niyang bida sa movie na siguradong ikasa-shock ng manonood.

Nakausap ng BANDERA si Direk bago magsimula ang presscon ng “Open” sa Limbaga 77 sa Quezon City kanina at naikuwento nga niya sa amin ang ilang mga nakakalokang BTS (behind the scenes) sa set ng pelikula.

Ayon kay Direk, walang kaarte-arte at game na game na ginawa nina Arci at JC ang lahat ng mga maiinit at sensitibong eksena sa movie? Naniniwala kasi sila na kailangang ipakita sa pelikula ang mga nangyayari kapag pumasok sa “open relationship” ang isang tao at kung anu-anong consequence ang kaakibat nito.

“Wala akong naging problema sa kanila, lahat ng nasa script ginawa nila, yung iba pa nga parang ako na ang nahihiya para sa kanila pero they believe in the story, nagtiwala sila sa akin kaya wala kaming naging problema.

“Si Arci nga laging sinasabi, talagang hindi niya papayagang manood ang nanay niya dahil baka raw pagalitan siya. Kasi first time niyang gumawa ng ganitong katapang na movie,” pahayag ni Direk Andoy.

Ang isa sa mga hinding-hindi niya malilimutang eksena nina Arci at JC ay ang love scene ng dalawa kung saan hindi nag-plaster ang aktor. Nasasaktan daw kasi ang binata kapag pinaplasteran ang kanyang private parts.

“Isa yun sa mga intimate scenes nila, e, ayaw ni JC na lumabas na fake yung eksena kaya hindi na nagpatakip (ng private part). Sabi niya siya na ang bahala para hindi makita sa camera.

“Pero itong Arci, nagulat. Siya nakita niya talaga. Kasi she’s in front of JC. Tapos lumapit siya sa akin, i-preview daw namin kasi baka nga nakita sa camera. Concerned siya kay JC kasi nga nakita raw niya ang ‘kayamanan’. Pero nu’ng ni-review namin, wala naman,” natatawang kuwento ni Direk.

At naulit pa raw ito sa love scene ni JC kay Ina Raymundo, “Ayun, hindi na naman nag-plaster ang lolo mo kaya nakita raw uli. Pero nasa preview monitor ako that time, sinabi lang ng isa sa mga taga-production team namin kaya wala rin akong nakita.” 

Ayon pa sa direktor, happy siya dahil talagang pinagkatiwalaan siya ng kanyang mga artista kaya lahat ng gusto niyang mangyari sa pelikula ay na-achieve nila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Bago pa kami mag-shoot, sinabi ko na sa kanila lahat. But I also told them, ‘Don’t worry. I will respect you. Hindi ko naman kayo bababuyin.’ Nag-agree naman sila,” chika pa ng direktor.

Showing na ang “Open” sa Sept. 13mula sa T-Rex Entertainment at kasama rin dito si Vance Larena.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending