DEAR Ateng Beth,
Magandang araw po. May isyu kami ng misis ko, magdadalawang buwan na. Ito ay dahil lang Po sa Facebook. Kung bakit kasi ayaw niyang ipaalam sa akin ang password niya.
Siya lang ang may FB at ako naman ay wala, wala kasi akong oras para mag social media.
Pero minsan naisipan ko kung bakit abalang-abala siya sa pagpi-Facebook, kaya sabi ko pati-ngin naman ng FB niya. Ayaw niyang ibigay ang password para makita ko ang laman non.
Ngayon iniisyu niya sa akin wala raw ako tiwala sa kanya? Anong gagawin ko?
Albert ng Pasig City
Magandang araw rin sa iyo, Albert.
Kasi naman, bakit wala kang Facebook? E, di sana pwede mong ma-view ang mga activities niya. Pero ang tanong ay kung ia-accept ka muna niya bilang friend.
Ang totoong tanong, issue ba talaga ang password dito o wala ka talagang tiwala sa kanya?
I mean pwede mo naman sabihin sa kanya na wala kang tiwala kung wala ka ngang tiwala di ba? Mas magkakaintindihan kayo kung sisimulan mong maging matapat sa hinala mo, o sa iniisip mo.
Mapag-uusapan ninyo bakit wala kang tiwala. O baka naiinggit ka lang kasi nasisiyahan siya sa pinagkakaabalahan niya ngayon.
Wala kang oras mag social media, may oras ka bang lambingin si misis, i-reassure sa kanya ang pagmamahalan ninyo?
May panahon ka bang makipagdate sa kanya kahit fishball at kwek kwek lang sa labasan?
Siyempre naman hindi porket mag-asawa na kayo e pwede niyang ibuyangyang lahat sa iyo.
Bigyan mo rin naman siya ng respeto at privacy. Hindi dahil sa libang na libang siya sa pagpiFacebook kailangan mo nang pakialaman at panghimasukan ang privacy niya? Gumawa ka ng paraan sana na malibang siya ng kasama ka, na ma enjoy niya ang makasama ka.
So tingnan mo rin sarili mo…issue ba to ng privacy? Ng kawalan mo ng tiwala sa kanya? O insecurity mo at kawalan ng kakayanang suyuin at mapasaya pa ulit si misis?
Maigeng tingnan rin natin kung nasaan na ba ang relasyon at may ma-gagawa pa ba para maimprove ito, kaysa maghinala at magmukmok lang dahil ayaw niyang ipakita ang private matters para sa kanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.