Hugot ni Vice Ganda: Ang sarap ng may nag-aalaga sa yo…
“ANG sarap ng may taong mahal ka.”
Yan ang latest hugot ng nag-iisang Unkabogable Star na si Vice Ganda nang magkasakit siya kamakailan.
Sa kanyang Twitter account, nag-post ang TV host-comedian ng tungkol sa isang taong totoong nagmamalasakit at nagmamahal sa kanya.
“Ang sarap sa pakiramdam nung may nag aalaga at nag aasikaso sayo sa mga pagkakataong pagod ka at masama ang pakiramdam mo. Ang sarap ng may taong mahal ka,” tweet ni Vice.
Hindi man diretsong pinangalanan ni Vice kung sino ang pinatutungkulan niya, pero ang paniwala ng kanyang fans and followers ito ay para sa rumored boyfriend niyang si Ion Perez.
Pinusuan ito ng libu-libong netizens na nagsabing masaya siya para kay Vice at sana nga ay pang-forever na raw ang kanilang relasyon kahit anuman ang label or status nila.
Samantala, sa Instagram Stories naman ni Ion, nag-post siya ng litrato nila ni Vice na kuha sa nakaraang All-Star Games 2019. Ito yung eksenang tumakbo si Vice para yakapin si Kuya Escort matapos itong maka-three points sa kanilang basketball game.
Nilagyan pa niya ng crown emoji ang ulo nila ng TV host comedian na may caption na, “MINE MINE MINE!”
Ginawa ito ni Ion matapos niyang aminin sa buong universe na friends lang talaga sila ni Vice.
“Kaya siguro nag-iisip ‘yung mga tao, ganoon ‘yung nagiging reaksyon nila, kasi sobrang malapit kami. Sobrang close. Close na close kami ni Vice. Hindi na siya iba sa akin,” pahayag ni Ion.
Ang reaksyon naman ng ilang fans ng dalawa, baka ayaw lang nilang lagyan ng label ang kanilang relationship basta ang mahalaga ay nagkakaitindihan sila at mahal nila ang isa’t isa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.