LUMABAS na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Jenny ngayong hapon.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration alas-4 ng hapon kahapon ay nasa layong 510 kilometro sa kanluran ng Dagupan City, Pangasinan ang bagyo.
Umuusad ito sa pakanluran-hilagang kanluran sa bilis na 40 kilometro bawat oras.
Umaabot sa 75 kilometro bawat oras ang bilis ng hangin nito at pagbugsong hanggang 90 kilometro bawat oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending