#Lakas-tama: planong pagkidnap sa anak gawa-gawa lang ni kilalang female star | Bandera

#Lakas-tama: planong pagkidnap sa anak gawa-gawa lang ni kilalang female star

Cristy Fermin - August 29, 2019 - 12:15 AM


ANG dami-dami talagang anekdota tungkol sa mga kalokahan ng isang kilalang female personality.

Kung anu-ano ang trip niyang gawin. Ewan kung saan nanggagaling ang mga pinaggagagawa niya na siya lang ang nakaiintindi.

Minsan ay napagtripan niya na may nagtatangka raw kumidnap sa kanyang anak. Pinaniniwalaan niya kasi ang mga iniisip niya.

Kuwento ng aming source, “Kumuha pa siya ng bodyguard, kasama niya ang taong ‘yun kahit saan siya magpunta, kasi nga, nanganganib daw ang buhay ng anak niya!

“Ang nakakaloka lang, buhay raw ng anak niya ang nalalagay sa alanganin, pero siya naman ang sinasamahan ng kinuha niyang security!

“Tatlong cellphones ang bitbit niya. May kinakausap siya, tumawag na naman daw kasi ang kikidnap sa anak niya. Nagmo-monologue siya, inaaway niya ang kidnapper kuno!

“Pero buking naman ang drama niya, dahil wala siyang kausap sa kabilang line, ang isang phone niya ang ipinangtawag niya sa kanya!

“Nakakaloka siya! Nagagawa niyang kausapin ang kiyemeng kidnapper, samantalang siya lang naman ang nag-dial sa mismong phone niya!

“At talagang kinakausap niya kunwari ang kikidnap sa anak niya! Talagang sumisigaw siya! Kesyo ire-report daw niya sa mga proper authorities ang nagtatangkang kumidnap sa anak niya, pero wala naman siyang ginagawang hakbang!” napapailing na kuwento ng aming source.

At heto pa. Gumagawa rin siya ng isyu na kikidnapin din kuno ang anak ng isang pamosong female personality. Talagang tinawagan niya ito para pag-ingatin.

Patuloy ng aming source, “Pinangangaralan niya ‘yung female personality na huwag daw kasing pabaya sa anak niya! Madali raw kasing kidnapin ang bata kapag walang nagbabantay!

“Nakakaloka siya, at nangdamay pa ang hitad, di ba? Nalukring siguro sa kanya ‘yung kausap niya, ano nga naman ang pinagsasabi ng babaeng ‘yun?

“Naku, kailangan na talaga niyang makipagkita sa favorite doctor niya! Nakakaloka na ang mga pinaggagagawa niya, pati mga batang walang kamalay-malay, e, idinadamay niya na sa mga trip niya!” kuwento ng napapailing naming impormante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, wala nang iba, siya na nga ‘yun, hambalusin n’yo na siya ng bareta!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending