NAHIHIRAPAN ang Kapuso actress na si Katrina Halili sa role niya sa afternoon series na Prima Donnas.
Nasabay na kasi siya pagiging kontrabida sa halos lahat ng teleseryeng ginawa niya sa GMA 7 kaya aniya, karir kung karir ang pagganap niya bilang si Lilian sa Prima Donnas, isang mabait at mapagmahal na ina.
Si Lilian ang surrogate mother ng triplets na sina Donna Marie, Donna Belle, at Donna Lyn.
“Nakakagawa ko rin naman maging mabait before pero ito yung isang season na mabait ka. Nanibago? Oo. Tsaka medyo mahirap,” aniya.
Sey pa ni Katrina, mas madali na para sa kanya ang magalit at mang-away sa mga eksena kesa ang maging malumanay at palaging mabait.
Napapanood ang Prima Donnas pagkatapos ng Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko sa GMA Afternoon Prime.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.