Mag-ingat sa mga komersyal sa FaceBook tulad ng Pink Mingo
NAPAKALAKAS ng espiritu ng komersyalismo. Mabilis maengganyo ang taong bumili ngayon ng kahit ano, kahit saan.
Mag-aabroad ang ating kabayan na may inisyal na SM. Sa katitingin sa FB ay nagustuhan niya ang mga produkto ng Pink Mingo na travel organizer. Umorder siya ng dalawang pack dahil naisip nga niyang kakailanganin niya iyon sa kanyang nalalapit na biyahe.
Kaya noong Mayo 26 ay um-order siya online, sabay bayad ng US dollars gamit ang kanyang credit card. Nakatanggap naman agad siya ng acknowledgment message sa pamamagitan ng text mula sa NXSMS sa mismong araw ding iyon.
Kaya lang nang magpa-follow up na si SM para sa kanyang order, hindi umano tinatanggap ang kanyang mga text message ng NXSMS at sinasabing undelivered.
Nagpadala ng lamang siya ng email sa [email protected]. Sinagot naman siya.
Narito ang bahagi ng email: Thank you for contacting us. I can see from the tracking that your order is already on its way to your country since June 8. Please be informed that the tracking information could just be delayed. I’ll follow up it up with our carrier. Have a great day! Regards, Patrick.”
Pero isang buwan na ang nakararaan ay wala pa rin ang kanyang inorder. Nag-email muli si SM at sumagot naman si Patrick. “I have looked into this for you and can see that your order has been shipped and it is en route to you. You can track its progress here: __. Due to the time of year there can be delays due to increased pressure on the international postal service and it may take longer for the courier’s website to update to reflect the current location, but I can assure you it is on the way. Should you have any other queries please do not hesitate to contact me. I would expect it to be arriving soon! 🙂 Have a wonderful day!
Regards, Patrick”
Ang malungkot, walang dumating na Pink Mingo hanggang sa nag-abroad na si SM ay wala siyang nagamit na travel organizer. Excited pa naman daw umano siya rito.
Nang makabalik na siya ng Pilipinas, nagulat siya nang malaman na mayroong notice ang post office at may claim card na ipinadala sa kanya.
Walang ideya ang ating kabayan kung ano ang kanyang kukunin sa post office pero pumunta pa rin siya. Nagulat siya nang malaman na ipinadala pala sa koreo ng Pink Mingo ang kanyyang order. Pero imbes na Pink Mingo, Suntribe Travel ang brand ipinadala sa kaya.
Laking-gulat ni SM kung bakit siya ang kumuha sa post office samantalang ang advertisement nito sa Facebook ay free delivery.
Hindi lang iyon. Dalawang pack ang order niya pero isa lang ang nakuha niya sa post office.
Tiyak ni SM na marami ang katulad niyang naloko ng Pink Mingo at maging ibang mga produkto na ibinebenta gamit ang Facebook. May ibang mga basag-basag na at sirang produktong nai-deliver pero hindi na napalitan.
Anong proteksyon ang nakalaan sa mga tulad ni SM na naloko ng Pink Mingo?
Sabi tuloy ng isang kabayan, huwag na huwag bibili sa pamamagitan ng online kung walang track record ang naturang online store. At kung hindi man, huwag babayaran nang patiuna, cash on delivery dapat, at dapat i-check nang husto ang naturang produkto bago bayaran.
Tama nga naman. Kung hindi nila ide-deliver, hindi sila makakabenta. Samantalang kung babayaran na ninyo gamit ang credit card, malaki ng tsansa na maloko kayo. Hindi katulad iyan ng mga pinagkakatiwalaaang online store sa abroad na mabilis mag-deliver kahit galing pa sa ibayong dagat.
Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM(M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziqHelpline: 0998.991.BOCW E-mail: [email protected]/[email protected]
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.