Claudine inireklamo ng pamilya ng talent manager, 'praning' na raw | Bandera

Claudine inireklamo ng pamilya ng talent manager, ‘praning’ na raw

Cristy Fermin |August 28,2019
facebook
share this

Claudine inireklamo ng pamilya ng talent manager, ‘praning’ na raw

Cristy Fermin - August 28, 2019 - 12:45 AM

CLAUDINE AT GRETCHEN BARRETTO

MASAMANG-masama ang loob ng manager na si Tita Dolor Guevarra, pati ng kanyang mga anak na sina Jaypee at Vanessa, kay Claudine Barretto na kung anu-anong bintang ang ipinupukol laban sa kanila.

Dahil malapit ngang kaibigan ni Gretchen Barretto ang mag-iina ay mukhang inapuntahan ng selos at insekuridad si Claudine, kaya gumawa ito ng mga kuwentong may kakambal na paninira kina Tita Dolor, Jaypee at Vanessa, na mabuti na lang at hindi pinaniwalaan ni Gretchen.

Kuwento ni Jaypee, “Nasa bahay kami ni Gretchen, nagkukuwentuhan kami habang kumakain. Nandu’n sina si Tito Tony Boy, nu’ng biglang dumating si Claudine.

“Kami lang ni Gretchen ang nakakita sa pagpasok niya, nakatalikod sa round table sina Aness at mommy. Pero ang kuwento niya kay Gretchen, kaya raw siya umalis agad, e, dahil tiningnan namin siya nang mula ulo hanggang paa!

“E, di nga nakita nina mommy at Aness ang pagpasok niya, kami lang ni Gretchen ang nakakita sa kanya, kaya paano namin siya titingnan nang from head to toe?

“Walang ganu’ng nangyari! Tapos, nag-post na siya ng mga kuwentong nakakatawa, tulad nu’ng halos sa bahay na raw ni Gretchen kami nakatira, kasi raw, e, nakikinabang kami sa ate niya!

“Nag-uuwi rin daw kami ng food kapag nanggagaling kami sa house ni Gretchen, kesyo si Gretchen din daw ang nagbayad sa ospital nu’ng ma-confine si mommy! Puro kalokohan ang mga kuwento niya para lang kami siraan sa kapatid niya!” inis na inis na kuwento ni Jaypee.

Kailangan nang may kumausap kay Claudine Barretto nang masinsinan para matapos na ang mga kababalaghang pinaggagagawa ng aktres.

Nagiging sobrang paranoid na si Claudine, sa salitang kolokyal, praning na si Claudine Barretto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending