Bagong hugot ni Bea: Lord I lift up everything to you... | Bandera

Bagong hugot ni Bea: Lord I lift up everything to you…

Ervin Santiago - August 27, 2019 - 06:35 PM

MULING binasag ni Bea Alonzo ang kanyang katahimikan tungkol sa mga kinasasangkutang kontrobersiya matapos ang paghihiwalay nila ni Gerald Anderson.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ng cryptic message ang Kapamilya actress na pinaniniwalaang sagot niya sa lahat ng mga ibinabatong kanegahan laban sa kanya, lalo na ng mga taong kumakampi kay Gerald, pati na rin sa mga tagapagtanggol ni Julia Barretto.

Si Julia ang itinuturong third party sa hiwalayan nina Bea at Gerald at kahit ilang ulit nang nagdedenay ang dalaga, patuloy pa rin siyang tinatawag na ahas, anaconda at Valentina ng mga bashers.

Pagkatapos magsalita ng nanay ni Gerald laban kay Bea, muling nag-post ang Kapamilya actress sa kanyang IG account. Ibinahagi niya sa kanyang followers ang mga alaala niya noong bata pa siya at sinabing, “Simple lang ang buhay noon.”

Sinundan pa ito ng isang quote card na nagsasabing ipinagpapasa-Diyos na lang niya ang lahat ng mga nangyayari ngayon sa kanyang buhay. Aniya, “…And then God stepped in,” at sinundan pa ng mensaheng, “Lord, I lift up everything to you.”

Pinusuan ng kanyang mga fans and followers ang kanyang latest Ig post at nagsabing humahanga sila sa dalaga sa pag-handle niya ng mga problema at pagsubok. Tama lang daw na huwag na niyang patulan ang nanay ni Gerald dahil mapapasama lang siya kapag ginawa niya ito.

Huwag na rin daw niyang pansinin ang mga pinagsasasabi ni Julia dahil hindi naman niya ito ka-level. Kung hindi kami nagkakamali, balik-trabaho na si Bea ngayon at busy na sa preparasyon para sa shooting ng bago niyang movie kasama sina Angelica Panganiban at Richard Gutierrez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending