Lalaki hinati ang katawan ng kainuman gamit ang chainsaw
PATAY ang 30-anyos na lalaki matapos na hatiin ang kanyang katawan ng kanyang tiyuhin gamit ang isang chainsaw sa Barangay Bool East, Culaba, Biliran, Linggo ng umaga.
Sinabi ni Lt. Isidoro Ancero, Jr., Culaba police chief, na nakipag-inuman ang biktimang si Eduardo Rosquites sa suspek na si Roger Paje, at isa pang lalaki na si Edgardo Cañete.
Ganap na alas-2 ng hapon, habang natutulog ang biktima, kumuha si Paje, 48 ng lagare at hinati ang katawan ni Rosquites.
Asawa ng biktima nag pamangkin ni Paje na si Chanderee.
“It was the most gruesome murder I have ever seen,” sabi ni Ancero.
Inaalam pa ang motibo ng pagpatay.
Natagpuan si Paje na nakahiga sa sahig ng isang entablado ng barangay hall, samantalang natagpuan ang chainsaw sa likuran.
Nahaharap sa kasong murder ang suspek at nakakulong na ito
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.