Duterte no-show sa pagdiriwang ng National Heroes Day
NO-show si Pangulong Duterte sa selebrasyon ng National Heroes Day sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, Taguig City, na ayon kay Sen. Bong Go ay dahil sa masama ang pakiramdam.
Kumatawan kay Duterte si Speaker Alan Peter Cayetano sa pagdiriwang.
Sinabi ni Go na magkasama sila ni Duterte alas-4:30 ng umaga ngayong araw.
“He is indispose…medyo masama ang pakiramdam…74 years old na po ang Pangulo. Medyo (napagod) si Pangulo ang daming pinipirmahan. Noong nakaraang weekend, nagkaroon sila ng meeting ni (Moro National Liberation Front) chairman Misuari,” sabi ni Go.
Idinagdag ni Go na bukod sa pakikipag-usap kay Misuari, may mga pribadong pagpupulong din si Duterte.
“Marami siyang trabaho… so kailangan ding magpahinga ng Pangulo,” ayon pa kay Go.
Tiniyak naman ni Go na walang dapat ikabahala sa kalusugan ni Duterte.
Sinabi pa ni Go na tuloy ang working visit ni Duterte sa China kung saan nakatakda siyang umalis bukas.
Ayon pa kay Go, nasa Maynila na rin si Duterte para sa mga iskedyul niya bago tumulak papuntang China.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.