James Reid mahirap daw katrabaho; maarte na, demanding pa?

By Alex Brosas August 26,2019
share this

James Reid mahirap daw katrabaho; maarte na, demanding pa?

By Alex Brosas August 26,2019
share this


MASYADO raw maarte itong si James Reid.

In a report by a website na blind item ang pagkakasulat, marami ang humula na si James ang subject nito.

Ang chika, masyado raw demanding ang boyfriend ni Nadine Lustre. May ginawa raw itong commercial na talagang ikinaloka ng mga taga-production.

Kasi naman, James was demanding daw na dapat bayad siya bago niya gawin ang commercial. Hindi uso sa kanya ang 50% downpayment before the shoot and the remaining 50% after the shoot. Ang gusto raw niyang mangyari ay full payment bago pa siya mag-shoot ng commercial.

At hindi pa doon nagtatapos ang kanyang demand. It was rumored na ang gusto niya ay one shooting day lang. Usually, two to three days ang shooting ng commercial.

Nasunod naman daw lahat ng gustong mangyari ni James. ‘Yun lang, hindi raw masyadong nag-click ang kanyang commercial dahil it did not result to big sales ng product na kanyang inendorso.

Actually, mahirap daw talaga pakisamahan si James. Hindi mo siya matantiya. Masyado siyang maarte.

Idagdag pang hindi ito palakibo usually kapag may event siya which makes it even harder for production people to deal with him.

Anyway, true ba na marami kang demands, James? Pakisagot nga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending