Lolit Solis: Sana makagawa rin ang AlDub ng mala-HLG

By Alex Brosas August 25,2019
share this

Lolit Solis: Sana makagawa rin ang AlDub ng mala-HLG

By Alex Brosas August 25,2019
share this

Lolit Solis opened Maine Mendoza to bashers with her recent post.

“Honestly, alam ko na ginawa ang Hello, Love Goodbye para kila Alden Richards at Kathryn Bernardo. Pero alam mo ba na naisip ko kung ganito kaya klase ng pelikula ang ginawa para sa AlDub o para kay Alden at Maine Mendoza, siguro mas malaki at mas lalo tagumpay.

“Tanggapin natin na iyong project nuon para sa loveteam nila hindi gaano ka emotionally charged like Hello Love Goodbye. Parang pang kilig lang iyon hindi gaya ng istorya ng Hello Love Goodbye na nagli linger iyon napanuod mo sa utak mo at talagang kita mo kung paano binigay ni Alden at Kathryn ang kanilang sarili sa istorya. 

“Kung ganito kabigat ang project na ginawa nila Alden at Maine talagang cemented na ang kilig at kung gaano sila kahusay umarte. At iyon nga meron na sana sila project na talagang magpapatibay lalo sa kanilang pagiging loveteam.

“Well, now na kanya kanya muna sila sana pag nagkaroon ng chance na pagsamahin sila uli sana iyon mga ganito ng istorya ang ibigay sa kanila, iyon medyo mature na. Huwag na iyon kilig lang, at gawin mas mature ang mga dialogues.

“Sure ako pag gumawa sila ulit at bongga ang istorya, manunood ka not only because of Aldub kundi dahil maganda ang project, wanna bet.”

With that, kaliwa’t kanang bira ang inabot ni Maine.

“Agree po. Si Alden kaya nya ang emotional scenes at heavy drama. Pero si Maine??? Nah…di po nya kaya.”

“HLG is made for Alden & Kath. Sa kanila lang babagay yan. Period!!!!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending