KathDen movie humamig na ng P800M, baka matalbugan pa ang kinita ng 2018

By Jun Nardo August 25,2019
share this

KathDen movie humamig na ng P800M, baka matalbugan pa ang kinita ng 2018

By Jun Nardo August 25,2019
share this

TUMATAGINTING na P838,514,353 ang naitalang worldwide gross ng pelikulang “Hello, Love, Goodbye” nina Kathryn Bernardo at Alden Richards as of this writing.

Ito’y base na rin sa ipinost ng Pambansang Bae sa kanyang Instagram account kahapon. Ito rin ang nabasa namin sa official social media account ng Star Cinema.

Ilang kembot na lang at aabot na sa P1 billion na ang kita ng pelikula at kapag nangyari ito, ang “HLG” na ang magiging highest grossing local film sa bansa.

Dadaigin pa nito ang kinita ng Metro Manila Film Festival last year kung saan walong pelikula ang naglaban-laban para maabot ang target na P1 billion gross, huh!

Dahil sa phenomenal record ng “HLG”, nagpaabot ng pasasalamat sa Diyos si Alden sa pamamagitan ng isang photo niya sa IG kung saan nakatingin siya sa itaas.

“LORD, iba KA. I learned so much from this experience, and I’m always looking up to YOU in gratitude.

“To everyone who has been part of our #HelloLoveGoodbye journey, maraming salamat at mahal na mahal ko kayo. #HelloThankYouWorld #HelloThankYou800M,” caption ni Alden sa kanyang litrato.

Nagpaabot din ng pagbati kay Alden sina Dingdong Dantes at Kakai Bautista.

         

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending