Marian vs Jennylyn bilang ka-loveteam ni Dingdong sa ‘DOTS’

By Jun Nardo August 25,2019
share this

Marian vs Jennylyn bilang ka-loveteam ni Dingdong sa ‘DOTS’

By Jun Nardo August 25,2019
share this

Speaking of Dingdong Dantes, nakasama niya ang ilan sa mga teachers, students at voluteers sa Cubao Elementary School recently para i-celebrate ang 10th anniversary ng Yes Pinoy Foundation, Inc. (YPF).

Kamakailan, nakipag-sanib-puwersa ang YPF ni Dong sa Stuntman Association of the Philippines at Seoul Action School-Korea para sa series of extensive trainings and seminars para sa project na Projcct #BeScene.

Sa anibersaryo ng pinamumunuang organisasyon, nagsama-sama rin ang pamilya, kaibigan at supportetrs ng YPF sa accomplishments nito na natupad dahil sa passion, collaboration at volunteerism.

“YPF started with our simple yearning to contribute and be of service to the country by educating, empowering and engaging the Filipino youth…through the years, we have witnessed how heroism uplifts lives and communities,” bahagi ng speech ni Dong.

Katatapos lang sumailalim ng GMA Primetime King sa military training bilang paghahanda sa sole niya bilang Big Boss sa Philippine TV adaptation ng Korean war-drama na Descendants of the Sun.

Nakasama rin niya sa matinding training si Rocco Nacino at ang iba pang cast members ng DOTS na gaganap ding mga sundalo. Ang tanong pa rin hanggang ngayon ay kung sino na ang magiging leading lady ni Dong sa serye.

Pero kung ang fans ng aktor ang tatanungin, wala silang ibang naiisip na aktres para sa role kundi ang misis nitong si Marian Rivera. 

Anytime soon ay ibabandera na rin ng GMA kung sino ang makakatambal ng Kapuso Primetime King sa inaabangang Pinoy version ng Descendants of the Sun. Wait na lang tayo kung si Marian o si Jennylyn Mercado ang mapipili ng GMA.

Kayo dear BANDERA readers, sino sa tingin n’yo ang bagay na maging ka-loveteam ni Dong sa DOTS? Baka pakinggan ng GMA ang suggestions n’yo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending