Mark Herras pinagmumura ang bashers: Bulol ako hindi budoy!

By Ervin Santiago August 25,2019
share this

Mark Herras pinagmumura ang bashers: Bulol ako hindi budoy!

By Ervin Santiago August 25,2019
share this

KUNG may mga natutuwa para sa bagong kabanata sa lovelife ng Kapuso actor na si Mark Herras, marami rin ang nangnenega sa relasyon nila ni Nicole Donesa.

Nagkasama ang dalawa sa katatapos lang na afternoon series ng GMA na Bihag at bago magwakas ang kanilang serye ay bumandera ang balitang na-develop na sila sa isa’t isa.

Sa mga hindi pa nakakaalam, si Nicole ay nag-join sa Binibining Pilipinas 2013 at sa Miss World Philippines 2014.

Sa kani-kanilang Instagram account, proud na inamin ni Mark at ng baguhang Kapuso actress ang pagmamahal nila sa isa’t isa. Pinusuan ito ng kanilang followers at mga kaibigan sa showbiz, kabilang na ang mga co-stars nila sa Bihag na sina Max Collins at Sophie Albert.

Pero may mga netizens din ang nambasag kina Mark at Nicole na sinagot naman. May ilang bashers pa na nagsabing manang-mana raw si Mark kina Luis Manzano at Gerald Anderson na napakabilis magpalit ng dyowa.

Isang malutong na “ul*l” ang resbak ni Mark sa mga ito. Hindi rin niya pinalampas ang netizen na nagsabing, “Mahilig talaga sa chaka si mark.” Sagot sa kanya ng Kapuso actor, “ul*l ul*l ul*l!”

Sinagot din niya ang hater na nagkomento ng, “Budoy ng gma 7.” 

Ang Budoy ay ang karakter na ginampanan ni Gerald sa teleserye ng ABS-CBN. Reply sa kanya ni Mark, “Ul*l bulol ako hindi budoy.”

Minura rin ng binata ang netizen na nag-post ng, “Grabe sia ung mga kasabayan nia At ung naging lt nia At gf lumagay n sa tahimik si pa gf gf n lng version ni gerald anderson at Luis M.”

Ang huling girlfriend ng Kapuso actor ay si Reina Hispanoamericana 2018 Winwyn Marquez. Tatlong taon din tumagal ang kanilang relasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending