Restructured loan sa SSS gustong ipakansela | Bandera

Restructured loan sa SSS gustong ipakansela

Liza Soriano - August 24, 2019 - 12:15 AM

AKO po si Christian Cardama, itatanong ko lang po sa inyo ang tungkol sa inaaplayan kong Loan Restructuring Program last February 2019.
Nag-apply po ako ng LRP sa pagnanais na mabawas ang interest ng salary loan ko na hindi ko po nabayaran mula nang mag-resign ako sa aming kompanya noong 2015.

Nakapag start na po ako magbayad ng LRP, dalawang taon ang itatagal at anim na buwan daw po, pagkatapos tsaka lang ako po pwedeng mag-loan ulit.
Itatanong ko po sana kung maari ko po kaya ipakansela na lang yung LRP ko at manatili nalang po siyang salary loan? Yung mga naihulog ko po ba ay maibabawas pa rin sa utang ko? Pwede po kaya magpasa nalang po ako sa employer ko para sila nalang po ang mag kaltas ng salary loan ko sa SSS as regular loan.
Ano po ba ang pwede kong gawin dito sa problema ko? Sana po ay mabigyan ninyo ako ng advice na maari kong gawin upang masolus-yunan ko ito. Maraming salamat po.
Christian Cardama

REPLY:

Ito po ay tugon sa liham ni Ginoong Christian Cardama tungkol sa kanyang restructured loan sa ilalim ng Loan Restructuring Program (LRP) ng Social Security System (SSS).

Itinatanong ni Ginoong Cardama kung maaari ba niyang ipakansela ang kanyang Restructured Loan (RL1) at manatili itong salary loan. Ang sagot dito ay hindi na. Nakasaad sa Promisory Note na nilagdaan niya noong siya ay mag-apply sa LRP na siya ay nangangako na babayaran ang kabuuang halaga ng RL1 ng buwanang installments mula sa una hanggang sa huling due dates na nasa Disclosure Statement na nilagdaan din niya.

Iminumungkahi po namin kay Ginoong Cardama na ipagpatuloy ang pagbabayad ng kanyang RL1 para mabayaran niya ang kanyang utang nang wala ang mga multang naipon bago siya nag-apply ng LRP.

Kung hindi niya ito babayaran, papatong ang 0.5% multa kada buwan sa hindi nabayarang utang sa RL1 term.

Dapat niyang mabayaran ang buong halaga ng kanyang utang sa loob ng inaprubahang payment term. Sakaling hindi niya ito mabayaran, ang balanse ng kanyang RL1 at ang condonable penalties nito ay magiging bahagi ng panibagong loan principal sa ilalim ng Restructured Loan 2 (RL2) na kailangan namang mabayaran agad. Ang RL2 ay mayroong 10% na interes kada taon hanggang sa mabayaran ng buo.

Nais naming ipabatid na ang LRP ay binuksan ng SSS para matulungan ang mga miyembro nitong may short-term loans na hindi nabayaran dahil sila’y naapektuhan ng mga kalamidad noon.

Malaking tulong ito para sa mga kagaya ni Ginoong Cardama na ayon sa kanyang mensahe ay mayroong salary loan na hindi nabayaran mula pa noong 2015 bago siya mag-apply sa LRP nitong Pebrero 2019.

Sana ay gamitin na niya ang pagkakataong ito para hindi na lumaki pa ang kanyang utang at hindi siya mag-alala na magkakaroon ng bawas ang kanyang mga benepisyong matatanggap sa hinaharap.

Maraming salamat.
Sumasaiyo,
MAY ROSE
DL FRANCISCO
Acting Department Manager
Media Affairs
Department

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer
Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending