Pekeng ilong ni female celeb buking na pero todo denay pa rin

By Cristy Fermin August 23,2019
share this

Pekeng ilong ni female celeb buking na pero todo denay pa rin

By Cristy Fermin August 23,2019
share this

PURO hagalpakan ang maririnig sa paligid habang pinagpipistahan ng isang grupo ang matigas na pagdedenay ng isang pamosong female personality tungkol sa pagpapaayos ng kanyang ilong.

Matigas dahil napakadiin ng pagtanggi ng female personality, hindi raw niya ipinagalaw ang kanyang ilong, ‘yun na raw ang ilong na meron siya nang pumasok siya sa pag-aartista.

Kuwento ng unang source, “Nakakaloka siya, ha? Imagine, kinakaya ng sikmura niyang idenay na ipinagalaw niya ang ilong niya? Ano ba siya, nahihibang?

“E, ibang-iba ang itsura niya nu’ng hindi pa siya nagpapaayos ng nose niya, puwede ba? Malapad ‘yun, pero bigla na lang kumitid nu’ng magpaayos na siya!” namamanghang chika ng unang impormante sa umpukan.

Halatang-halata naman kasing nagparetoke talaga siya ng ilong, sobrang liit ang butas nito, kaya nga maraming nang-uusisa kung nakahihinga pa ba siya nang maayos?

Isang source naman sa umpukan ang nagsabi, “Paano niya naman idedenay na nagpaayos siya ng ilong, e, ang dami-daming nakakaalam na nagpagawa siya sa clinic nu’ng magaling na doktor?

“Wala namang masama kung nag-undergo talaga siya ng nose job, puhunan nila sa pag-aartista ang kagandahan, kaya bakit pa niya ‘yun idinedenay? Ayan tuloy, naba-bash siya!” komento ng ikalawang source.

At ang nakakawindang ay may naglabas ng kuwento na hindi lang siya ang nagpaayos ng ilong, binitbit din niya ang younger sister niya sa pagpaparetoke, kaya parehong kumitid at tumangos ang kanilang mga ilong.

Inis na kuwento uli ng unang source, “Ano ba ang gusto niyang mangyari, ang ituro pa namin ang clinic nu’ng doktor na umayos sa ilong nilang magkapatid? Alam na alam namin kung saan ‘yun matatagpuan!

“Ang tindi rin naman ng babaeng ‘yun! Padenay-denay pa siyang nagpaayos ng ilong, e, halatang-halata naman na salamat po, doktor silang magkapatid?

“Di nga ba, ang sister pa niya ang nagkukuwento na sa sobrang liit ng butas ng mga ilong nila, e, hindi na sila makapangulangot? Gumagamit na raw sila ng cotton buds para lang magtanggal ang mga tsismis nila sa ilong?

“Pasensiya na lang siya, taklesa ang sister niya! May maidedenay pa ba siya kung ganu’n na ang kapatid niya na ang nagsasabing nagparetoke sila ng ilong?” nakairap na pagtatapos ng unang source.

Nakow, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kilalang-kilala n’yo ang magkapatid na manok na ito, di ba naman?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending