Anak ni Nadia na nagtangkang mag-suicide magiging pastora na | Bandera

Anak ni Nadia na nagtangkang mag-suicide magiging pastora na

Julie Bonifacio - August 22, 2019 - 12:25 AM


HINDI napigilang umiyak ni Nadia Montenegro nang aminin ang pinagdaanang depresyon ng kanyang anak sa isang episode ng Magandang Buhay.

Nagsimulang ma-depress ang anak ni Nadia nang yumao ng ama nitong si dating Caloocan Mayor Macario “Boy” Asistio two years ago.

“Dalawang taon nang nawala ang daddy nila at kanya-kanya kami ng grieving. Hanggang sa last year tinawag ako ng guidance counselor ng school. Sabi nila may napapansin sila sa anak ko,” saad ni Nadia.

Ang anak ni Nadia na tinutukoy ay si Ayisha. Thirteen years old lang daw si Ayisha noon pero gusto nang tapusin ang kanyamg buhay.

“Heartbreaks are not just because of love, it’s because they lost a parent. So naging mahirap,” pag-amin pa ni Nadia sa hosts ng Magandang Buhay na sina Jolina Magdangal, Karla Estrada at Melai Cantiveros.

Tinanong ni Nadia ang kanyang anak kung bakit nagawa niyang mag-suicide, “Sabi ko, ‘You know the only thing you need to do is pray to God. Alam mo naman na kapag we take our life hindi tayo mapupunta sa langit,” sabi ni Nadia habang umiiyak.

Kasunod nito ang pasasalamat ni Nadia sa Panginoon dahil sa pag-ahon ng kanyang anak sa matinding depresyon.

“Alam mo, Praise God, ‘yung anak ko na nag-try mag-suicide, tapos na po siya sa School of Discipleship, magpapastora na po siya,” say pa ni Nadia.

Noong July 14, ibinahagi ni Nadia sa kanyang Instagram ang pagtatapos ng anak na si Ayisha sa nabanggit na kurso.

Ayon sa psychologist na si Sofia Lina na nag-guest din sa Magandang Buhay, kailangang bigyan ng espasyo at panahon ang isang tao na maipagluksa ang namatay nilang mahal sa buhay.

In fairness, ang sarap talagang manood ng Magandang Buhay every morning sa ABS-CBN. Nagbibigay inspirasyon at maraming lessons in life ang napupulot ng televierwers.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi raw dapat minamadali ang pagluluksa at paghilom sa sakit na nararamdaman na dala nang pagkawala ng isang minamahal. Hindi maiiwasan ang pagdadalamhati sa tuwing may mangyayaring hindi maganda sa isang tao.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending