Paolo umamin na: Naka-swimsuit na nga ako, ano pa ba? I'm a lady | Bandera

Paolo umamin na: Naka-swimsuit na nga ako, ano pa ba? I’m a lady

Ervin Santiago - August 22, 2019 - 12:01 AM


“NENE pa ako noon, now, I’m a lady!” Yan ang diretsong pahayag ni Paolo Ballesteros tungkol sa tunay niyang pagkatao.

Kung sa mga past interviews kay Paolo ay ayaw pa niyang diretsuhin kung ano ba talaga ang totoo sa kanyang gender, ngayon ay proud na proud na siyang ibinabandera ang totoong sexual orientation.

Sa nakaraang presscon ng latest movie niyang “The Panti Sisters”, sinabi ng Eat Bulaga Dabarkads, never naman daw siyang nagtago o nagdenay tungkol sa kanyang pagiging proud LGBTQ+ member.

“Ako kasi yung tao na kung ano yung nakikita mo, ganu’n kasi pananaw ko, e, sa sarili ako. Yung nakikita n’yo, yun na yun. Ayoko nang gumawa ng issue na ganu’n (umamin in public), na it’s a big issue. Naka-swimsuit na nga, ‘no, ano pa bang kailangan?” natatawang pahayag ni Paolo.

Wala naman daw siyang itinatago, lantad naman kung ano ang tunay niyang pagkatao at sexual preference, pero may paliwanag siya kung bakit mas matapang na siyang magsalita ngayon kumpara noong kabataan niya, “Siyempre, nene pa ako nu’n, now, I’m a lady!”

Paliwanag pa ng award-winning actor, “Huwag n’yo nang gawing issue yung manghuhula na ano ba ako or what. Ginagawa ko lang yung part ko, hindi naman ako nagpapa-girl sa normal na buhay, di ba?

“So, nakakatuwa kasi kapag nagpapa-girl ako, mas nae-excite yung mga tao, ganyan. Pero it’s not about who I am, e, kasi feeling ko, alam naman nila who am I,” chika pa ni Pao sabay halakhak.

Hirit pa niya, “I’m old enough. I’m a lady, it doesn’t matter. Nu’ng una, kapag sinasabi mo naman wala naman akong pakialam, siyempre meron pa ring ano yun, pero ngayon wala na.”

Ayaw namang magkuwento ni Pao kung may lovelife siya ngayon pero inamin niyang three months lang tumagal ang relasyon nila ng last boyfriend niyang si Kenneth Gabriel Concepion.

Sinabi rin ng TV host-comedian na gusto pa rin niyang magkaroon ng pamilya in the future, “Masarap din siyempre ang may lovelife, di ba?! Charezzz! Ha-hahaha!”

q q q

Samantala, promise ni Paolo, pati na rin nina Martin del Rosario at Christian Bables, ibang-iba naman ang mapapanood ng madlang pipol sa “The Panti Sisters” kumpara sa “Die Beautiful” at “Born Beautiful”.

Isa sa mga official entry ang “The Panti Sisters” sa 2019 Pista Ng Pelikulang Pilipino na magsisimula na sa Sept. 13.

Kung nag-enjoy daw ang manonood sa mga nauna nilang pelikula, three times the fun and excitement daw ang mae-experience ng publiko sa “The Panti Sisters”. Siguradong tatawa lang daw nang tatawa ang viewers sa mga pinagagagawa nila sa pelikula.

Ayon naman sa direktor ng movie na si Jun Lana, mas riot at mas maraming paandar ang “The Panti Sisters”. Bukod sa pagiging bahagi ng 3rd PPP, super proud din si Direk Jun na napagsama-sama niya ang tatlong Gawad Urian awardees sa isang pelikula na gaganap nga bilang magkakapatid na beki.

“Sa posters pa lang nakikita niyo na magkakaiba ynug peg nila and interesting na kapag strikingly different ang characters sa isa’t-isa lalo na kung comedy, mas riot.

“Especially with the brilliant actors that we have, lahat sila mga Urian awardees, napaka-gagaling na mga artista kaya yung set namin magaan, masaya dahil buong buo ang mga characters,” ani Direk during the presscon.

Nanalo sina Paolo at Christian bilang Best Actor at Best Supporting Ac tor respectively sa Gawad Urian Best noong 2017 para sa “Die Beautiful” habang nagwagi naman si Martin ng Best Supporting Actor sa Gawad Urian noong 2015 para sa “Dagitab.”

Nilinaw din ni Direk Jun na pampamilya rin ang “Panti Sisters” kahit na medyo kontrobersyal ang tema nito, “Comedy ‘to e. Gusto namin siyempre cross section ng audiences ang makakanood. Maraming pasabog, maraming mga sexy scenes, pero hindi naman edgy na hindi na mapapanood ng pamilya kasi we’re targeting the family to be able to watch the film.”

Makakasama rin sa movie ang mga hunk actor-model na sina Marc MacMahon, Luis Hontiveros at Addy Raj with Rosanna Roces, Carmi Martin, John Arcilla, Roxanne Barcelo, Joross Gamboa at marami pang iba, produced by Blacksheep, Idea First Company at Quantum Films.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ito sa mga sinehan nationwide simula sa Sept. 13.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending