Lito Bautista, Executive Editor
HINDI magkakilala sina Sen. Panfilo “Ping” Lacson at Jayson Ivler. Pero, kapwa nila alam ang pandaigdigang awit na “Anak.” Pareho din namang anak sina Ping at Jayson ng kanilang mga ina.
Kapwa nasasangkot sila sa mga kasong murder. Pero, bakit ganoon? Pareho ang katuwiran ng kanilang mga kampo? Ginigipit lang daw sina Ping at Jayson kaya sinampahan ng mga kasong murder. Puwede bang dahilan ang “panggigigipit?” Kahit sinong imbestigador (hindi totoo na may bobong imbestigador. Ang totoo ay nagbobobohan lang. Pero, meron din namang matalino. At siyempre, meron ding pampatalino), alam ang unang limang pangunahing panuntunan para magpasya na ang hawak niyang kaso at pasok sa murder. Sa limang pangunahing panuntunang ito, wala rito ang panggigipit.
Pero, ginigipit daw sina Ping at Ivler.
BANDERA, 020410
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.