Kris nagparamdam, gustong gumawa ng serye sa Kapuso | Bandera

Kris nagparamdam, gustong gumawa ng serye sa Kapuso

Alex Brosas |August 21,2019
facebook
share this

Kris nagparamdam, gustong gumawa ng serye sa Kapuso

Alex Brosas - August 21, 2019 - 01:09 AM

KRIS AQUINO

KRIS Something is seemingly in a very, very desperate mood na magkaroon ng teleserye.

Nagpaka-cheap ang laos na TV host when she reacted sa caption ni Lolit Solis sa kanyang Instagram photo kay Kris.

“Para naman naglaro ang kapalaran kay Kris Aquino. Excited pa naman siya magbalik trabaho at bagay naman sa pagbabalik niya ang napili niyang project na Kampon, kung bakit nagkaroon ng hitches ito.

“Maganda din naman ang ipinalit nila kay Derek Ramsay na si Gabby Concepcion pero siguro nga dahil sa bilis ng mga pangyayari nakalimutan nila ipadala agad ang letter informing the commitee nang pagpapalit ng leading man. Grabe ang bilis ng pangyayari kaya I can just imagine ang frustration ni Kris.

“Sayang dahil talagang parang itinakda iyon project sa pagbabalik tambalan nila ni Gabby na siyang nagsimula ng showbiz career niya tapos heto pa ang magiging ending. Siguro naman maayos ang lahat dahil hindi naman akalain magkakaroon ng problema kay Derek.

“Saka dapat dahil sanay na si Atty Joji (Alonso) sa pagsali sa festival alam na niya ang mga sinusunod na panuntunan kaya dapat naayos agad ito. Well, usually naman mga setback na ganito is for the better baka mas maganda ang kalalabasan, malay natin. Wait na lang tayo.”

That was Lolit’s post which had Kris reacting.

“Chill na chill ako Nay. Life is good, Aug 20 i’ll take the kids on a beach break para hindi ko na lang maisip ang 1st shooting day… sayang lang yung 4.4 million views na on FB nung pag visit kay gabby.

“Maybe kagaya ng pag negotiate mo for me ng Star Talk before, you can negotiate w/ @gmanetwork a teleserye, same slot as ika-6 na utos na super sinubaybayan namin? #faith.”

That was the reaction of Kris. See how cheap Kris can get makabalik lang sa TV? Talagang parang halos magmakaawa na siya kay Lolit makabalik lang siya sa telebisyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Will GMA accept Kris? In all probability ay no. Kris cannot act. Ang alam lang niya ay dilat-acting, no more, no less, so why would GMA waste money on her?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending