Alden may kinain sa Singapore kahit bawal na bawal sa diet: Reward lang sa sarili | Bandera

Alden may kinain sa Singapore kahit bawal na bawal sa diet: Reward lang sa sarili

Jun Nardo |August 21,2019
facebook
share this

Alden may kinain sa Singapore kahit bawal na bawal sa diet: Reward lang sa sarili

Jun Nardo - August 21, 2019 - 01:17 AM

ALDEN RICHARDS

BINIGYAN ni Alden Richards ang sarili ng special reward habang siya ay nasa Singapore para sa international screening ng “Hello, Love, Goodbye”.

Nagkaroon siya ng chance na makapaglibot sa ilang lugar sa SG bago bumalik sa bansa. Nagkasama sila uli ni Kathryn Bernardo roon para personal na magpasalamat sa mga kababayan nating sumuporta sa kanilang pelikula.

At para sulitin ang natitirang oras niya sa SG, talagang kumain si Alden ng paborito niyang ramen na matagal na niyang hindi nakakain.

Pero kahit lumafang na hindi pasok sa kanyang diet, nangako si Alden na pananatilihin pa rin ang kasalukuyan niyang katawan na produkto ng kanyang special diet at continuous workout.

Marami kasing nagkakagusto sa kanyang looks ngayon na ruggedly handsome pero mukhang ang bango-bango pa rin. Patunay diyan ang comments ng mga nakapanood na ng “HLG”.

Sakto rin kasi ang hitsura ng Pambansang Bae sa role niya sa upcomings series ng GMA na The Gift kung saan gaganap siyang vendor sa Divisoria na mabubulag at dadaan sa matitinding challenges ng buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending