Kargador, vendor sa Maynila bibigyan ng tribute ni Alden; suportado ni Isko
WALANG kapaguran si Alden Richards sa pagbiyahe sa iba’t ibang bansa para sa international screening ng blockbuster movie nila ni Kathryn Bernardo na “Hello, Love, Goodbye.”
Halos hindi pa nga nakakahinga mula sa pagbisita sa United Arab Emirates, lumipad silang muli ni Kathryn para naman sa screening ng kanilang movie sa Singapore last Sunday.
Nakansela kasi ang pagbisita nila sa special screening sa Hong Kong nitong nagdaang linggo dahil sa kasalukuyang kaguluhan doon, kaya sa SG na lang sila tumuloy.
No wonder, patuloy pa ring namamayagpag sa takilya ang “HLG” sa ikaapat na linggo nito, huh!
Puro papuri rin ang ibinibigay sa kanila ng mga kababayan nating nakapanood na gn “HLG.”
At dahil nga sa tagumpay sa takilya ng pelikula ng KathDen sa loob at labas ng Pilipinas, inaasahang aabot pa sa P1 billion ang kikitan nito kapag nakuwenta na ang lahat pati na sa TV and video rights.
Kaya naman si Alden, todo-todo rin ang pasasalamat sa mga manonood sa pagtangkilik sa unang movie nila ni Kathryn. Inspirado rin siya ngayon sa pagte-taping para sa upcoming Kapuso primetime series niyang na The Gift.
Sa nasabing serye, gagampanan ng Pambansang Bae ang karakter ni Josep, isang gwapo, simple, masipag at madasaling binata pero biglang mabubulag.
Isa siya rin siyang tindero sa Divisoria at doon talaga sila nagte-taping ngayon. Sabi ni Alden, mas nae-enjoy niya ang kanyang karakter sa The Gift dahil full-support sa kanila ang mga taga-Maynila, kabilang na si Mayor Isko Moreno.
“Du’n mas nakaka-relate ‘yung mga Kapuso natin na manonood ng teleserye na ito kasi nakaka-miss mag-portray ng role na kagaya ng mga Kapuso natin sa Divisoria, mga na kargador, vendor.
“Mas nandu’n ‘yung puso ko, nandu’n ‘yung paghuhugutan ko,” pahayag pa ni Alden.
Makakasama rin dito sina Elizabeth Oropesa, Jean Garcia, Jo Berry, Martin del Rosario at Mikee Quintos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.