MAGANDANG araw po sa Aksyon Line. Ang mother ko po na si Edna Velasco ay kakakuha pa lamang po ng kanyang senior citizen card. Hindi siya member ng SSS dahil hindi naman po siya nagtrabaho. Gusto ko pong malaman sa Philhealth kung pwedeng maging member ang nanay ko na isang senior citizen.
Nabalitaan ko po kasi na otomatikong miyembro ng Philhealth ang gaya ng nanay ko na senior citizen.
Malaking tulong din po kasi lalo’t pag tumatanda na talaga ay marami na po nararamdaman. Gusto ko rin po na itanong kung paano maging miyembro ng Philhealth ang akong nanay.
Salamat po at umaasa ako sa agarang aksyon ng Phihealth sa aking katanungan.
Dette Velasco
A-76 Kapitbabahan Bangus st.,
Navotas MM
REPLY: Maaaring maging miyembro ng PhilHealth ang ina ni Ms. Velasco sa ilalim ng amendment ng Senior Citizen Law.
Base sa nasabing batasa, lahat ng mga senior citizens ay may coverage na sagot ng pamahalaan thru the sin taxes.
Maaaring magpunta ang mag-ina sa OSCA o sa pinakamalapit na tanggapan ng PhilHealth.
Magdala na lamang sila ng properly accomplished PhilHealth Membership Registration Form (PMRF) at photocopy ng senior ci tizens ID.
Maaring ring tumawag sa 4417442 Action Center Hotline para sa iba pang katanungan.
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.