Dimples kina Bea at Angel: Hindi sila nagbago, mga totoong tao! | Bandera

Dimples kina Bea at Angel: Hindi sila nagbago, mga totoong tao!

Reggee Bonoan |August 20,2019
facebook
share this

Dimples kina Bea at Angel: Hindi sila nagbago, mga totoong tao!

Reggee Bonoan - August 20, 2019 - 12:05 AM

DIMPLES ROMANA AT ANGEL LOCSIN

TODO-TODO ang pasasalamat ni Dimples Romana sa mga kaibigan niyang sina Bea Alonzo at Angel Locsin dahil pumayag itong magkaroon ng special cameo role sa Kadenang Ginto.

“Nakiki-support sila and they do it for the love kaya I’m so thankful to them,” masayang sabi ni Dimples sa ginanap na launching ng Kadenang Ginto beauty regimen sets by Skin Magical.

Dagdag pa ng aktres, “Ang cute nga, kasi si Bea dumaan kasi na-miss daw niya ako tapos sabi ko, tara mag-cameo ka kunwari mababangga mo ako, umoo naman siya kaagad.

“Tapos si Gel bumisita rin kasi that day, it’s International Friendship Day so pinuntahan niya ako sa Quezon City. Dalawang oras siyang bumiyahe galing BGC papunta sa akin.

“And you know why I love my friends, these are the two of the biggest stars of ABS-CBN and yet nagkakaroon sila ng oras para dalawin ako and our friendship, ang tagal na, more than a decade na siguro.

“Si Gel mula lumipat (2007, sa ABS-CBN) kasama ko na, si Bea nag-start kami sa Kay Tagal Kang Hinintay (2002), friends na kami noon. Nakatapak pa rin sa lupa until now at never nilipad dahil ganu’n sila bilang tao, very grounded sila. Hindi man kami magkita palagi pero alam nila na nandoon ang suporta ko,” saad ni Dimples.

Natanong din ang isa sa lead actress ng Kadenang Ginto kung paano niya sinuportahan si Bea sa pinagdaanan nitong heartbreak at kung may mga payo ba siyang ibinigay sa dalaga.

“Oo naman siyempre, marami naman (payo). Lahat ng ikabubuti, di ba? At saka lahat naman ito ay dumadaan lang at matatapos din,” sambit ng aktres.

At siyempre bilang spokesperson ng malapit nang ikasal na sina Neil Arce at Angel ay natanong kung ano na ang update sa wedding plans ng future husband and wife.

“Angel is doing great, she’s busy preparing na the wedding at sa daldal ko sabi ni Neil ako na raw ang spokesperson. Kung may mga questions nga pala kayo sa akin n’yo na lang itanong, ako ang sasagot,” nakatawang sabi ni Dimples.

Kinlaro rin ng BFF ni Angel na masaya ngayon ang aktres at kung anuman ‘yung mga pino-post nito sa Instagram ay hindi tungkol sa sarili kundi sa ibang tao. May lumabas kasing tsismis na may gusot daw sina Angel at Neil.

“Si Gel kasi sensitive ‘yan sa lahat minsan ‘yung mga mensahe niya it’s not about herself, it’s for other people na may mga pinagdadaanan. Minsan may mga followers siyang may pinagdadaanan din,” paliwanag ni Dimples.

Inamin naman ng Kapamilya actress na hanggang March, 2020 pa ang Kadenang Ginto sabay sagot ng “Yes!” sa tanong namin na pagkatapos ng serye nila ay may panahon na siyang mag-asikaso sa kasal nina Angel at Neil.

Hindi pa rin binabanggit ni Dimples kung ano ang petsa ng kasal pero siguradong sa 2020 na ito magaganap.

At tulad nga ng sinabi sa amin ni Angel, gaganapin ito sa buwan ng Nobyembre.

Going back to Kadenang Ginto, hinihintay pa ni Dimples kung kailan dadalaw si Vice Ganda sa taping nila na posible ring mag-cameo sa programa.

“Sabi ni Vice pupunta siya at magpapasampal daw siya kay Daniella (karakter ni Dimples sa KG).

Ha-hahaha! Saka magpo-promote kami ng movie namin for MMFF (2019),” saad ng aktres.

Samantala, dahil sa lakas ni Dani Gurl ay siya na mismo ang inalok bilang endorser ng Skin Magical set number 3.

“Kasi it’s fiercest and most intense of them all, this final kit is appropriate for those who bear some of the deepest and darkest scars like Daniela. Extreme peeling is a huge part of the meticulous process that promises to reveal satisfactory results in the end.

“At saka gusto ko ako ‘yung panghuli, kasi kung number 1 pinili ko, e, di may number 2 pa, so ako na ‘yung huli, number 3,” paliwanag ni Dimples.

Hindi lang para kay Daniella may offer ang Skin Magical, meron din para sa unblemished look ni Cassie (Francine Diaz) na set number 0 para sa delicate skin; si Marga (Andrea Brillantes) naman ay sa set number 1 pampatagal ng skin blemishes tulad ng pimple acne scars, at melasma.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At meron din para kay Romina (Beauty Gonzalez) na set number 2, suitable for those who have risen from the ashes of a painful and unpleasant.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending