PITONG taon nang walang dyowa ang sexy Kapuso actress Katrina Halili. Pagkatapos nilang maghiwalay ni Kris Lawrence hindi na siya nakipagrelasyon.
Proud single mom si Katrina at talagang ibinuhos na lang niya sa kanyang anak na si Katie ang kanyang panahon at hindi na nga naghanap ng bagong makakarelasyon.
Pero sa nakaraang presscon ng bagong teleserye niya sa GMA 7, ang Prima Donnas, inamin ni Katrina na nakikipag-date na uli siya ngayon.
“Mag-seven years na akong single. Simula nu’ng mabuntis ako. Hindi ko rin alam kung bakit. Siguro nagiging mature ka na, at nagiging happy ka sa sarili mo. Work lang,” pahayag ng Kapuso single mom.
“Kasi inisip ko, parang ang tagal na so naging open na ako kapag may nagyaya sa akin ng date, sige okay na ako. Pero happy ako na mag-work lang. Gusto ko parang friends muna.
“May kasama pa rin akong friends talaga kapag lumalabas. Ayoko nang nagso-solo para walang expectations. Paano kung hindi ko gusto, paano ako makakatakas? Ang arte ko ‘di ba?” paliwanag niya.
Hirit pa ni Kat, “Kunwari mag-date tayo tapos mamaya isipin mo gusto na kita, eh paano kung hindi pa pala? Hindi pa rin ako ready so ayokong mag-expect ka.”
“May naulit naman (ka-date), pero siyempre gusto natin ‘yung magiging partner na natin, naghahanap tayo ng seryosong magiging partner. May umulit pero happy pa rin ako na single,” dugtong ni Katrina.
“Sa relationship naman daw ang importante ‘yung friends kayo, ‘yun ‘yung foundation. Hindi ‘yung harutan lang kayo ng harutan. Dapat kasundo ko,” aniya pa.
Hindi naman daw naghahanap ng father figure si Katie dahil regular nakakasama ng bagets ang tatay niyang si Kris Lawrence, “Hindi ko naman ipinagkakait, nagkikita sila ni Kris.”
Samantala, for a change, mabait naman ang magiging role ni Kat sa Prima Donnas na mapapanood na sa GMA Afternoon Prime ngayong hapon after Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.
Siya ang magiging surrogate mom ng triplets na gagampanan nina Jillian Ward, Althea Ablan at Sofia Pablo ngunit mawawalay ang mga ito sa kanya dahil sa kagagawan ng napakasamang si Kendra to be played by Aiko Melendez.
Makakasama rin dito sina Chanda Romero, Wendell Ramos, Benjie Paras at Elijah Alejo, sa direksyon ni Gina Alajar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.