DEAR Atty.:
Attorney, problema ko po tungkol sa birth certificate ko noon pong bininyagan ako. Ang pangalan ko pala ay Romulo Garcia tapos ang baptismal ko ay Romeo Garcia. Ito ang gamit ko mula pag-aaral hanggang driver’s licence at SSS. Nalaman ko ngayon nang kumuha ako sa municipal dito sa Matnog, Sorsogon yung Romulo ang nakarehistro. Ano po ang dapat kong gawin? Gumagalang po, ROMEO B. GARCIA, …0640
Dear Romeo:
Ang inyong birth certificate ay kailangan na baguhin upang ang inyong first name ay mapa-litan sa “Romeo”.
Sumanguni po sa Local Civil Registry ng Munisipyo kung saan po kayo ipinanganak (Matnog, Sorsogon) at mag-apply ng Change/Correction of First Name due to Clerical Error.
Ngunit, subukan po ninyo muna magpunta sa Civil Registry kung saan kayo nakatira, at baka payagan kayo na mag-ayos ng clerical error sa kanilang opisina.
Ito ay kung kayo ay papayagan lang. Irason sa kanilang opisina na masyado pong mahal kung kayo ay uuwi pa ng probinsiya para rito. — Atty.
Dear Atty.:
Good day po, attorney. Ako po si Racquel, 33, taga Malate, manila.
Hihingi lang po ako ng advice, yung kapatid ko po kasi may anak siya sa pagkabinata, ngayon po ay may sarili na siyang pamilya at kasal na. Yung babaeng naanakan po niya ay madaming demand para sa anak niya.
May napagkasunduan na po silang sustento kada buwan. Nais po ng babae na sagutin ang gastusin sa pag-aaral ng anak nila tulad ng books, atbp. at pinag-aaral niya sa private school na d naman kaya ng kapatid ko.
Ngayon nakapagbigay ang kapatid ko kaso kulang pa din para sa kanya, pati bonus gusto niya meron siya. Ano po ang dapat gawin ng kapatid ko, pwede po ba niya idisregard ang hinihingi ng babae about sa school finances ng anak nila kasi di naman niya kaya magpaaral sa private school. Maraming salamat po. — Racquel, Malate, Manila, …3426
Dear Racquel:
Hindi po pwedeng “i-disregard” ang financial support sa anak niya sa pagkabinata.
Sa sandaling idisregard niya ito, maaari siyang kasuhan. Kasi ito ay isang krimen sa ilalim ng Anti-Violence against Women and Children Act.
Upang maging makatarungan sa lahat, maaari namang magsampa ng Petition for Support and Support Pendente Lite of Illegitimate Child sa Regional Trial Court kung saan nakatira ang bata. Kailangan mag-sumite ang inyong kapatid ng kanyang proof of income (Certificate of Employment o Income Tax Return/s). Kanya pong ipakita sa Judge ang kanyang tunay na estado ng kanyang hanapbuhay, upang hindi naman mapahamak ang kanyang misis at kanilang mga anak, kung meron man. — Atty.
May nais ba kayong isangguni kay Atty. Fe? I-text ang pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.