S.M.A.C Pinoy Ito Season 2 hahataw na sa IBC 13
Masayang ibinalita ng SMAC talents na sina Justin Lee at Mateo San Juan na sinabihan sila ng kanilang management company na may offer na serye sa kanila ang ABS-CBN.
“Sobrang nakaka-excite po kasi para mapansin kami ng ABS, sobrang thankful po,” sabi ni Justin.
Inamin ng magkaibigan na pangarap din nilang mapanood ang sarili sa mga programa ng ABS-CBN,
“Sana makatrabaho namin sina Liza Soberano at Kathryn Bernardo,” napangiting sabi naman ni Mateo.
Sina Justin at Mateo ang pinakaunang talents ng SMAC kaya naman loyal sila sa talent management nila dahil sobrang alaga rin ang ibinibigay sa kanila.
“Wala po kaming gagawin kundi pagbutihin ang craft namin at ayusin ang mga sarili namin,” say ni Justin.
Nakatsikahan namin sina Justin at Mateo kasama si Rish Ramos (baguhan ding artista) sa ginanap na taping ng S.M.A.C Pinoy Ito Season 2 na napapanood sa IBC 13, 4 p.m.
Bongga ang opening ng programa na mala-That’s Entertainment ang peg dahil guest pa nila sina Maria Laroco (X-Factor UK grand finalist) at Chloe Redondo ng Team Sarah Geronimo sa The Voice Teens Season 1.
Dalawang oras ang programa at may walong segment: The Icon (signature songs ng sikat na singers), Juan Danz: The Battle (dance contest), Aiana Covered (may 431K subscribers sa YouTube), Throwback Music (lumang awiting pampakilig), Danz Royalties (mga sikat dancers na kabilang sa kilalang grupo noong araw), SMAC Circle of Artists Batch 6 (artista search), Pinoy Song Hits at Producers Cut.
Masaya ang production ng S.M.A.C Pinoy Ito dahil pawang malalaking pangalan ang guests sa show sa pangunguna ni Heaven Peralejo na guest co-host din sa episode ngayong hapon.
Kasama rin sa show sina Miko Juarez (Pinoy Boyband top 12 finalist), Gabriel Umali (Pinoy Boyband top 25), Rojean delos Reyes (social media influencer) at Isaiah Tiglao (Pinoy Boyband top 20).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.