Aktres nagmaldita kaya tsugi sa serye; rich na rich ang feeling

By Cristy Fermin August 15,2019
share this

Aktres nagmaldita kaya tsugi sa serye; rich na rich ang feeling

By Cristy Fermin August 15,2019
share this


PABORITONG paksa ngayon sa isang malaking network ang ipinakitang kamalditahan ng isang female personality na inireklamo ng kanilang produksiyon.

Ibang-iba na nga raw ngayon ang female personality na homegrown talent ng nasabing network dahil nanggaling siya sa isang talent search ng istasyon.

Ang dami-daming chika ng aming source, “Naku, talagang ang laki-laki na ng tingin niya sa kanyang sarili ngayon, as in! Ayaw na niyang pumayag na hindi sa kanya nakasentro ang script ng ginagawa niyang project!

“Ayaw na niya ng second lead siya, kailangang siya ang bida, walang labis, walang kulang! Gusto pa niyang papalitan ang script ng project, ano siya, scriptwriter na ba siya ngayon?

“Ayun! Ano ang napala niya? Waley na siyang project ngayon, tinanggal na siya, dahil sa kamalditahan niya!” unang chika ng aming impormante.

Hindi na rin professional ngayon ang female personality, alam niya naman kung anong oras ang kanyang calltime, pero pinaghihintay niya ang mga kasamahan niya sa set.

Patuloy ng aming source, “Pati ang mga veteran stars, pinaghihintay niya! Umaga ang calltime niya, pero dumarating siya nang tanghali na!

“Nakakahiya ‘yun sa mga kasamahan niya, lalo na sa mga veteran stars, ano na ba ang nangyayari sa babaeng ‘yun?” dagdag na kuwento ng aming source.

Maraming kasamahan niya ang nakapansin na mula nang magkaroon siya ng yayamaning karelasyon ay marami nang nagbago sa female personality. Maraming-marami na.

Isang source naman ang nagsabi, “Kapag dumarating siya sa set, e, para na siyang kung sino! At take note, English speaking na siya ngayon, ha?

“Hindi naman siya ganyan dati, probinsiyana nga siya, di ba? Pero mula nu’ng magka-boyfriend na siya ng richie-richie, e, nagkaganyan na siya! Napakamaldita na niya, English speaking na siya!

“Nakakaloka siya! Ang nagagawa nga naman ng biglaang pagganda ng buhay! Pero hindi naman siya ang rich, ang boyfriend niya naman, devah?” pagtatapos ng aming source na nakataas ang kilay.

Naku naman, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, bigay na bigay na kung sino siya, ha?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending