Joshua binigyan ng house & lot ang ama: Susunod na po yung resto business niya

By Bandera August 14,2019
share this

Joshua binigyan ng house & lot ang ama: Susunod na po yung resto business niya

By Bandera August 14,2019
share this

JOSHUA GARCIA

Pagkatapos makabili ng sariling bahay, marami pa raw plano si Joshua Garcia para sa kanyang pamilya.

Isang dream come true para sa binata ang maibili ng house and lot ang kanyang tatay.

“Hindi kami sanay sa ganyang kalaki na bahay, so nasa kwarto lang kami kadalasan minsan nasa sala lang kami. Naninibago pa kami doon sa lugar, malaki masyado para sa amin,” pahayag ng binata tungkol sa paglipat nila sa bagong bahay nang mag-guest sa Magandang Buhay.

Ang next project naman ni Joshua ay ang mabigyan ng sariling restaurant business ang kanyang ama, “Kasi parang napapansin ko nababagot yung erpat ko kasi sa bahay. So sabi ko, kailangan may ginagawa siya. Iba pa rin yung may trabaho ka e. Sabi ko sa papa ko, restaurant yung ano niya. Kasi yung papa ko magaling magluto e.”

Bukod dito, sinusuportahan din ni Joshua ang pag-aaral ng kanyang pamangkin habang ang ate naman niya na kanya ring tinutulungan ay malapit nang magtapos.

“Pero ito po kasing sitwasyon ko ngayon, pangarap ko rin ito e, naging pangarap ko na rin siya. So ine-enjoy ko muna ito,” aniya pa nang tanungin kung plano rin niyang tapusin ang kanyang pag-aaral.

Hiwalay na ang mga magulang ni Joshua pero maayos naman daw ang kanilang samahan sa pamilya, “Actually natutuwa ako sa set up naming pamilya ngayon, kasi si mama pumupunta siya sa bahay namin at nag-i-stay siya doon nang isang linggo, tapos nagba-bonding lang kami sa bahay.

“Nakakatuwa lang na okay sila together, kahit na hindi sila nagkatuluyan, at magkaibigan pa rin sila,” chika pa ng binata na napapanood uli ngayon sa bagong teleserye ng ABS-CBN, ang The Killer Bride.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending