Bagong patakaran sa pondo ng manggagawa, itinakda | Bandera

Bagong patakaran sa pondo ng manggagawa, itinakda

Liza Soriano - August 14, 2019 - 12:15 AM

UPANG gawing mas matatag ang mekanismo sa pagpapalakas ng trade union at iba pang organisasyon ng manggagawa, nagtakda ang labor department ng bagong patakaran upang higit na mapakinabangan ang Workers Organization Development Program (WODP).
Ang WODP ay isang programa ng pamahalaan na nagkakaloob sa mga organisasyon ng manggagawa at sa mga kasapi at dependent nito ng pagkakataon na magkaroon ng sistematikong kaalaman at pag-unlad sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon, programang pangkasanayan at tulong edukasyon at teknikal.

Nilagdaan ang Department Order No. 203, series of 2019, na nag-aamyenda sa 2002 Department Order ukol sa paggamit ng pondo ng WODP.

Sa ilalim ng bagong patakaran, bahagi ng programa ang pagkakaloob ng training tulad ng organizational development and management, at labor and employment-related subject areas, at scholarship assistance.

Sakop ng programa ang lahat ng lehitimong organisasyon ng manggagawa na may mga programa o proyekto na ang pondo ay mula sa WODP.

Ang mga tinutukoy na lehitimong organisasyon ng manggagawa ay iyong labor organization na nakarehistro sa DOLE ayon sa Rule III at IV ng D.O. 40-03, na inamyendahan, at binubuo ng trade union centers, national unions, federations, local chapters, affiliates, at independent union.

Gayundin ang mga asosasyon ng manggagawa na nakarehistro sa DOLE ayon sa Sec 2 (C-D) Rule III ng D.O. 40-03, na inamyendahan, na may operasyon sa isa o mahigit pa na rehiyon na binuo para sa kapakinabangan at proteksiyon ng kanilang mga kasapi o para sa alinmang lehitimong dahilan maliban sa collective bargaining. Maaari ring makinabang ang mga organisadong rank-and-file employee sa public sector.

Kasama sa iba pang probisyon sa patakaran ang mga kinakailangan para sa akreditasyon ng benepisaryo ng WODP, mga kondisyon para makatanggap ng tulong, at probisyon partikular sa iniaalok na tulong.

Ang Bureau of Labor Relations, bilang ahensiyang tagapagpatupad, ang mangangasiwa sa programa; pagbubuo ng polisiya at patakaran; inspeksiyon, pag-monitor at pagtatasa ng lahat ng proyekto at gawain, kabilang ang gastusin na may kinalaman sa WODP, pagbubuo at pagmimintina ng database sa lahat ng proyekto ng WODP; at pagsasagawa ng adbokasiya para sa pagpapalaganap ng programa.

Ang DOLE Regional Offices, sa kabilang banda, sa pamamagitan ng Technical and Support Services Division (TSSD), ang naatasan bilang program manager sa regional level.

Kabilang sa kanilang tungkulin ang pag-monitor at pangangasiwa sa implementasyon ng WODP at pagsusumite ng mga itinakdang report at iba pang kinakailangang dokumento.

Ang patakaran ay magkakabisa 15 araw matapos itong ipalabas sa dalawang pahayagan na may malawak na sirkulasyon.

Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending