Rayver pumayag makipag-sex sa ghost

By Bandera August 14,2019
share this

Rayver pumayag makipag-sex sa ghost

By Bandera August 14,2019
share this

KRIS BERNAL, RAYVER CRUZ AT MEGAN YOUNG

GRABE! Patindi na pala nang patindi ang mga nakakalokang eksena sa Kapuso afternoon series na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.

Pinag-uusapan ngayon ng mga manonood at ng netizens ang umereng episode last Monday kung saan nakipag-sex ang karakter ni Rayver Cruz (Matteo) sa multong si Kris Bernal (Naomi).

Ang akala kasi ni Matteo ay si Yvie (Megan Young) ang nakasiping niya isang gabi, ngunit wala siyang kaalam-alam na ang kaluluwa pala ni Naomi ang nagpaligaya sa kanya nang bonggang-bongga!

Kaya naman galit na galit si Yvie nang sabihin ni Matteo sa kanya na sobra niyang na-enjoy ang pagse-sex nila. Sumusumpa si Yvie na hindi siya ang kasiping ng asawa nu’ng gabing yun kaya mas lalo pa siyang nagduda na may ibang babae si Matteo.

Takang-taka naman si Matteo sa mga nangyari at pilit na inaalala kung sino talaga ang babaeng nagpaligaya sa kanya. Kasabay nito, nagmakaawa siya kay Katya (Kim Domingo) para tulungan siyang kumbinsihin si Yvie na wala talaga siyang other woman.

Pero mukhang napasama pa ang pagtulong ni Katya para magkaayos ang mag-asawa dahil nagselos ang boyfriend niya na ginagampanan ng utol ni Rayver na si Rodjun Cruz. In fairness, unang eksena pa lang ng magkapatid ay bugbugan agad!

Samantala, tuloy ang pagpapakita ni Naomi kay Santino (Euwenn Aleta) at mukhang balak na nitong isama ang bata sa kabilang buhay. Sa nakaraang episode nga ay muling nagpakita si Naomi kay Santino at ikinulong ito sa banyo habang naliligo.

Biglang sumigaw ang bata, buti na lang at mabilis na nakapasok si Yaya Vane (Beverly Salviejo) sa CR at napigilan ang pagkuha sa kanya ni Naomi.

Alalang-alala na rin ang nanay ni Yvie na si Tina (Sharmaine Arnaiz) na siyang nakakakita sa kaluluwa ng dating dyowa ni Matteo na gagawin ang lahat para masira ang pagsasama ng kanyang ex at ni Yvie.

Siguradong hindi n’yo kakayanin ang susunod na twists and turns sa Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko lalo na kapag mas tumindi pa ang galit ni Naomi kina Matteo at Yvie. Abangan din ang mga susunod na pasabog ni Kris para takutin at patayin sa sindak si Megan.

Napapanood pa rin ang HSDNBK pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA 7 lang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending