Gerald bagong Hugot King, naging mas emosyonal dahil kina Bea at Julia | Bandera

Gerald bagong Hugot King, naging mas emosyonal dahil kina Bea at Julia

Ervin Santiago - August 13, 2019 - 12:25 AM

GERALD ANDERSON

IDINADAAN ni Gerald Anderson sa pagpo-post sa social media ng mga hugot lines ang kanyang pagmu-move on mula sa kinasasangkutang kontrobersya.

Sabi nga ng kanyang fans and followers, siya na ngayon ang bagong Hugot King dahil nga sa mga ipinopost niyang mensahe about his personal life. Obviously, naging mas emosyonal siya ngayon dahil sa mga pinagdaanan niya.

Nitong nagdaang weekend, sinabi ng Kapamilya hunk na medyo umayos na ang pakiramdam niya ngayon kumpara nitong nagdaang linggo matapos aminin ang paghihiwalay nila ni Bea Alonzo kung saan nasangkot pa si Julia Barretto as the alleged other woman.

Aniya, wala siyang dapat gawin ngayon kundi ipagpatuloy ang buhay at gawin ang dapat niyang gawin – ang mag-move on.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang binata ng ilang litrato na kuha sa isang military camp kung saan siya nag-training nang ilang araw.

Nilagyan niya ito ng caption na isang quote mula sa sikat na Japanese writer na si Haruki Murakami na patungkol sa pagiging survivor.

“Once the storm is over you won’t remember how you made it through, how you manage to survive. You won’t even be sure, in fact, whether the storm is really over.

“But one thing is certain. When you come out of the storm you won’t be the same person who walked in. That’s what this storm’s all about.”

Pinusuan ng napakaraming fans ni Gerald ang kanyang photos from his 3-day training course to become an Army reservist.

Nakasama rin ni Gerald sa nasabing Philippine Scout Ranger training ang ilang makakasama niya sa bago niyang serye na Soldier’s Heart kabilang na sina Yves Flores, Nash Aguas, Elmo Magalona at Jerome Ponce.
Kamakailan, sinabi ni Gerald na napakalaking tulong sa pagmu-move on niya mula sa break up nila ni Bea, “Yes, I’m better now. Malaking bagay ‘yung training, malaking bagay na nalagay sa perspective ‘yung mga bagay-bagay.”

Ayaw na raw niyang patulan ang mga bashers, “Sa dami ng negativity, alangan naman na maging negative pati ako, ‘di ba? The only way to fight negativity is to be positive and with positive thinking, positive vibes and doing something positive also.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending