Jackie Rice pa-booking daw sa halagang P2M

By Bandera August 11,2019
share this

Jackie Rice pa-booking daw sa halagang P2M

By Bandera August 11,2019
share this

JACKIE RICE

Isa si Jackie Rice sa mga female celebrities na napasama sa listahan ng isang adult website na nagbibigay umano ng “escort service”.

Ipinost ng Kapuso actress ang screenshot ng nasabing article sa website kung saan makikita ang kanyang litrato na may caption na: “Yes, Jackie Rice, she is willing to offer her services to Manila bookings Premium VIP members only. Jackie is a Filipino actress, television personality and commercial model.

“Jackie’s agent will set up your date once confirmed. We respect our ladies and staff to provide a service that is real, professional and respectful.”

Nakalagay pa sa website na ang rate raw ni Jackie ay, “3 hours 2 pops PHP 2 million.” Sa caption ng IG post ng aktres, pabiro niyang sinabi na, “Please check their site and book me now (praying and smile emojis).”

Ipinost din ng Kapuso actress ang ilang screenshot ng private messages sa kanya ng ilang netizens na interesado makuha ang kanyang serbisyo. At dahil trending na ang kanyang pangalan, nabanggit ni Jackie sa kanyang Instagram Story na, “Masyado akong trending, magpapataas na ako sa 2M (wacky emoji).”

Chika pa ng StarStruck Ultimate Survivor, “13 years sa showbiz. Still trending padin. Thank you social media. Here’s my walang butt and buts for all (wacky emoji).”

Mukhang hindi naman affected si Jackie sa malisyosong article ng website dahil puro pabiro nga ang sagot niya sa kanyang mga fans and followers. Ibig sabihin lang nito, walang katotohanan ang chika na pa-booking ang actres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending