MULING bumaba ang singil ng Manila Electric Company ngayong buwan.
Ayon sa Meralco mula sa P9.9850 kada kWh noong Hulyo ang presyo ng kuryente ngayong Agosto ay P9.5674/kWh o pagbaba na P0.4176/kWh
Ito na ang ika-apat na magkakasunod na buwan na bumaba ang singil ng Meralco. Mula Mayo ay bumaba na ng P1/kWh ang singil.
Ngayong Agosto bumaba ang singil dahil sa pagbaba ng presyo ng generation charge. Mula P5.4227/kWh noong nakaraang buwan ay bumaba ito sa P4.9620/kWh. Bumaba ang presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market sa P6.2080/kWh dahil sa magandang suplay sa Luzon grid.
Walang Red Alert sa Luzon grid noong Hulyo bagamat nalagay ito sa Yellow Alert.
Tumaas naman ang singil ng Independent Power Producers ng P0.0911/kWh dahil sa quarterly repricing ng Malampaya natural gas.
Tumaas rin ang transmission charge para sa mga residential customers ng P0.0334/kWh gayundin ang buwis at iba pang bayarin ng P0.0097/kWh.
Wala namang pagbabago sa distribution charge ng Meralco.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.