Mababawasan na ang paglabas ni Maine Mendoza sa Eat Bulaga sa mga susunod na araw.
May kinalaman dito ang paggawa niya ng dalawang movies na magsasabay ang shooting. ‘Yung isa ay ang pelikula nila ni Carlo Aquino at ang isa naman ay ang festival entry nila ni Vic Sotto. Idagdag pa riyan ang iba pa niyang showbiz commitments.
Biro nga niya sa mga Dabarkads, “Wag ninyo akong kalilimutan ah!”
Pero tuloy pa rin ng paglabas ni Meng sa sitcom na Daddy’s Gurl ng GMA tuwing Sabado, huh!
At least nagpaaam sa fans ang Phenomenal Star para hindi matsismis na lalayas na siya sa Eat Bulaga gaya noong minsang mawala siya nang mahaba-habang panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.