Lola ni Julia pinupulutan ng bashers: Ano bang image ng mga anak n’yo? Isip-isip din!
Sa edad na otsenta’y tres ngayon ni Mommy Inday Barretto ay hindi na siya dapat pumapagitna sa mga kontrobersiyang nagsasangkot sa kanyang mga anak at apo.
Sa salitang kanto, dapat ay nakaupo na lang siya ngayon sa silyang tumba-tumba, nagpapahinga na lang at hindi na sumasali pa sa kung anu-anong gulo.
Pero dahil ina at lola nga si Mommy Inday, sa kabila ng kanyang edad na mahigit na liyebo otsenta na ay ipinagtatanggol pa rin niya ang kanyang mga kapamilya, lalo na ang kanyang apong si Julia Barretto na talaga namang inuupak-upakan sa social media.
Hindi siyempre papayag si Mommy Inday na ganu’n-ganu’nin na lang ang kanyang apo nang dahil lang sa isyung inagawan nito ng karelasyon si Bea Alonzo.
Para kay Mommy Inday ay personal na problema ‘yun nina Bea at Gerald Anderson, kaya bakit idinadamay ng mga netizens ang kanyang apo sa kontrobersiya, tigilan na raw sana si Julia.
Sa edad ni Mommy Inday ay hindi tuloy maganda ang mga natitikman niyang salita, tinatawag siyang kunsintidorang ina at lola at matandang walang pinagkatandaan, na buong-ningning niya ring ginagantihan.
Pero nasoplak nang husto ang matriyarka ng pamilya Barretto nang sabihin niya na ang kanyang pamilya ay beautiful, well-bred, well-groomed, intelligent at articulate.
Sabi ng isang sumagot kay Mommy Inday, “Beautiful, yes, pero well-bred and well-groomed? Ano ba ang image ng mga anak n’yo, mag-isip-isip nga kayo!”
‘Yun!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.