Hugot ni Maine sa Dabarkads: Wag n'yo sana akong kalimutan... | Bandera

Hugot ni Maine sa Dabarkads: Wag n’yo sana akong kalimutan…

- August 05, 2019 - 12:20 AM

AFTER Alden Richards, si Maine Mendoza naman ang mawawala nang madalas sa Kapuso noontime show na Eat Bulaga.

Nitong mga nakaraang buwan, laging absent ang Pambansang Bae sa Eat Bulaga dahil ilang linggo siyang nag-stay sa Hong Kong para sa shooting ng “Hello, Love, Goodbye” opposite Kathryn Bernardo.

Sa mga darating naman na araw, asahan na ang pag-absent ng Dubsmash Queen sa longest-running noontime show sa bansa dahil magiging busy na siya sa shooting ng dalawa niyang pelikula.

Balitang magsisimula na ang shooting para sa 2019 MMFF entry nila ni Vic Sotto na “Mission Unstapabol: The Don Identity,” at ang “Isa Pa with Feelings” kung saan makakatambal naman niya si Carlo Aquino.

Bukod pa nga riyan ang iba pang commitments ni Maine bilang isa sa mga nangungunang endorser sa bansa, idagdag pa ang taping nila ni Bossing para sa Kapuso sitcom na Daddy’s Gurl.

“Magsasabay ‘yung shooting namin so baka bihira n’yo na ako makikita sa Eat Bulaga mga dabarkads. Pero ‘wag niyo sana ako makalimutan,” ang pahayag ni Maine sa panayam ng GMA 7.

Nagbigay din ng update ang Phenomenal Star sa pagsasama nila ni Carlo sa movie, aniya, katatapos lang ng kanilang familiarity workshop.

“Ang kulit niya kasi, makulit din siyang lalaki. Parang same kami ng wavelength. Kumbaga ‘yung mga jokes ko benta sa kanya, ‘yung mga jokes niya benta sa akin.

“So most of the time kapag nagwo-workshop kami tawa lang kami nang tawa. Ang saya lang kaya looking forward talaga kami sa mga gagawin naming mga eksena,” aniya pa.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending