'Mas tumaas pa ang level ng akting nina Kathryn at Alden' | Bandera

‘Mas tumaas pa ang level ng akting nina Kathryn at Alden’

Cristy Fermin - August 03, 2019 - 12:40 AM

KATHRYN BERNARDO AT ALDEN RICHARDS

Sinasabi na nga ba! Sa unang pagkapanood pa lang namin sa pasilip na trailer ng pelikulang “Hello, Love, Goodbye” ay nakumbinse na agad kami na maghahakot ng pera sa takilya ang pinagbibidahang proyekto nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Meron kasi agad silang chemistry kahit pa ngayon lang sila pinagpareha at galing pa naman sila sa magkaibang network. Ramdam agad ang kanilang presensiya, tumatawid ang kanilang emosyon sa isa’t isa, kaya siguradong pipilahan ang pelikula sa takilya.

At nagtagumpay nga sila, sa unang araw pa lang ay kumita na nang mahigit na tatlumpu’t apat na milyong piso ang “HLG”, ang 350 theaters nu’ng Miyerkules ay naging 380 na nang sumunod na araw, maligayang-maligaya siyempre sina Kathryn at Alden sa naging resulta ng kanilang pagtatambal.

At ang mas ikinaligaya nila ay ang mga komentong nababasa-naririnig nila mula sa mga nakapanood na, itinaas sila nang ilang lebel ng mga nakasaksi sa kanilang pagganap, hindi na sila basta mga artistang nagpapakilig lang ng kanilang mga tagahanga ngayon.

Sabi nga ng kaibigan naming propesor, “Aktor at aktres na talaga ngayon sina Alden at Kathryn.

Nasorpresa ako ni Alden, akala ko, e, puro paporma lang siya, pero nakakaarte pala siya!

“Si Kathryn naman, nakita ko na ang acting niya sa ibang movies niya, hindi na ako nagulat, talagang aktres nang matatawag ang girl na ito!

“Kaya na niyang makipagsabayan kahit kanino. Panahon ngayon nina Kathryn at Alden, walang makakokontra du’n!” komento ni prop.

Mabuhay kayo!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending