Underground Battle MMA tuloy ang pagtulong sa mga atletang Pinoy
MANANATILI ang Underground Battle MMA para makatulong sa pangarap ng mga local fighters na maabot ang international level na paglalaro.
Sinabi ni UGB MMA founder Ferdie Munsayac patuloy ang pagsasagawa ng MMA promotion upang maipagpatuloy ang nasimulang layunin nito na palawakin ang kaalaman ng mga Pinoy sa sport at ayudahan ang mga local fighters na maging tunay na world-class fighters.
“Tulad sa punong hitik sa bunga, ganyan ang UGB MMA sa mga negatibong isyu na ibinabato sa amin. Pero hindi naming iyan pinapansin. Our group is the longest and oldest local MMA promotions at patunay dyan ang isang 11-fight card na nagawa namin,” sabi ni Munsayac, na kilala sa kanyang monicker na ‘Papa Goat’.
Idinagdag ng dating US Navyman na sisimulan nilang palakasin ang MMA sa Norte partikular sa Ilocos upang makatuklas ng mga bagong talento na posibleng maging international fighters.
“UGB MMA is here to stay. We’re an innovator. Iiwan namin ang Manila dahil masikip na rito sa dami ng MMA promotions. Sa Norte, particularly sa bayan ko sa Ilocos, doon kami hahanap ng ‘diamond in rough’. We produced a lot of champions in the past, kaya ipagpapatuloy naming ito for the sake of our MMA fighters,” dagda pa ni Munsayac.
Sinabi pa ni Munsayac na mapapasailalim na rin sila ng Games and Amusements Board (GAB).
“Starting September, GAB sanctioned na kami. Malaking bagay para sa welfare ng mga fighters ang programa ng GAB. I promised to shoulder the licensed fee ng mga fighters,” ani Munsayac.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.