Female star mahilig mang-ahas, relasyon ng showbiz couple tinangkang wasakin | Bandera

Female star mahilig mang-ahas, relasyon ng showbiz couple tinangkang wasakin

Cristy Fermin - August 02, 2019 - 12:30 AM

NAGKAROON nang matinding problema nu’n ang magkarelasyong young actor at young actress.

Maganda ang kanilang samahan, pareho nilang mahal ang isa’t isa, hanggang sa may pumasok na “ikatlong gulong” sa eksena.

Nu’ng una ay dinededma lang ng girl ang mga nababalitaan niya, malaki ang tiwala niya sa kanyang singer-actor boyfriend, pero may nagaganap na palang kakaiba.

Kuwento ng aming source, “Mabait ‘yung guy, matalino, marespeto, wala nang hahanapin pa sa kanya ang girl na kung tutuusin, e, may kamalditahan pa nga!

“Maayos ang relasyon nila, walang kahit anong pinoproblema ang magkarelasyon, nagkakasundo sila sa maraming bagay. Para nga silang magkaibigan na magkarelasyon dahil maganda talaga ang takbo ng relasyon nila!

“Hanggang sa may nakarating na kuwento sa girl, may isang babaeng umeeksena, ayaw niyang tantanan ang guy na alam niya namang may girlfriend na!

“Ayun, nagkaroon sila ng problema ng boyfriend niya, kinompronta ng girl ang singer-actor, nagdedenay naman ang lalaki!” umpisang chika ng aming source.

Pero napakaliit ng mundo ng showbiz, nakarating sa young actress na talagang type na type pala ng girl na third wheel ang kanyang boyfriend, ginagawa nito ang lahat ng paraan para makuha ang atensiyon ng male personality.

Patuloy na chika ng aming impormante, “Kaya hindi totoong ngayon lang siya nadamay sa triangle, dati na siyang ganyan, talagang mahilig siyang sumingit sa masikip!

“Puwede naman siyang maging masaya sa ibang guys na libre at walang karelasyon, pero para bang mas masaya siya kapag meron siyang kaagaw! Parang du’n siya masaya, ‘yung meron nang girlfriend ang lalaki, tapos, du’n siya biglang papasok.

“May mga ganu’n talagang girls, masaya silang nakikipagrelasyon sa meron nang commitment, nandu’n ang happiness nila, ayaw nila sa mga lalaking libre ang buhay, mas gusto nilang nakikipag-agawan.

“So, nu’ng matapos na ang relasyon ng young actor at young actress, nu’ng magkaibigan na lang sila, e, inamin ng guy sa girl na totoong sumisingit nu’n sa relasyon nila ang young actress na third wheel sa kanilang relasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Dati na siyang ganu’n, hindi ngayon lang, maraming nakakaalam ng kartada ng babaeng ‘yun, kaya tantanan na ang pagpaapawa! Sanay na sanay na siya sa ganyan!

“Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, hahampasin n’yo ba ng bareta ang babaeng ito na mahilig sumingit sa masisikip?” pagtatapos ng aming impormante.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending