Huwag pahirapan ang mga pensioners ng SSS | Bandera

Huwag pahirapan ang mga pensioners ng SSS

Liza Soriano - August 02, 2019 - 12:15 AM

DUMAGSA ang reklamo sa pitak na Aksyon Line mula sa mga pensioners ng Social Security System (SSS).

Sa kasalukuyan ang mga pensioners ay kinakailangang magtungo sa bangko tuwing kanilang birth month bilang patunay na sila ay buhay pa.

Sa reklamo ni Ginoong Ernesto Velasco na isang pensioner. Matagal tagal na rin siya na nagpepensyon sa SSS. Siya raw po ay naparalyze may 10 taon na ang nakalilipas.

Siya ay nakatira sa Maryhomes Subdivision, Bacoor, Cavite at masyado raw malayo ang Philippine National Bank (PNB) sa kanilang lugar.

Bagaman maayos naman daw ang kanyang kondisyon ay hindi na siya nakakalabas ng bahay dahil hirap na hirap na siyang maglakad kaya’t tuwing sumasapit ang kanyang birth month ay lagi na lamang siyang problemado dahil hirap na talaga siyang maglakad papunta ng bangko .

Kaya nakikiusap si G. Velasco na kung maaari ay huwag naman silang pahirapan ng SSS lalo na sa tulad niya na may sakit at halos hindi na makalakad.

Ikinuwento pa nito ang nakakalungkot na dinanas ng kanyang anak noong sinamahan siya sa bangko.

Nito lamang daw taon na ito sa kanyang birth month ay sinamahan siya sa bangko ng kanyang anak na seven months nang buntis.

Sa hirap ng anak niya sa pag-alalay sa kanya at talaga namang napagod kaya pag-uwi nila sa bahay ay biglang sumakit ang tiyan ng anak nito at itinakbo sa hospital ng kanila pang kapitbahay.

Pitong buwan pa lamang ay bigla ng napaanak ang kanyang anak at hindi na umabot nang nine months kaya premature ang baby.

Dahil sa pangyayaring ito ay umabot ng halos dalawang buwan sa hospital ang bata na kung saan umabot umano sa P300,000 ang bill sa hospital na hanggang sa ngayon daw ay binabayaran pa nila nang paunti-unti.

Bakit nga ba kinakailangan pang obligahin ang mga pensioners na pumunta pa sa bangko sa kanilang birth month kahit na hirap na hirap na slang maglakad?

Umaasa tayo para sa agarang aksyon ng SSS sa hnaing ng mga pensioners.

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer
Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending