Obrero patay sa bugbog dahil sa pagnanakaw ng panty sa Bohol | Bandera

Obrero patay sa bugbog dahil sa pagnanakaw ng panty sa Bohol

|July 31,2019
facebook
share this

Obrero patay sa bugbog dahil sa pagnanakaw ng panty sa Bohol

- July 31, 2019 - 04:08 PM

PATAY ang isang construction worker, na inakusahan ng pagnanakaw ng dalawang panty, matapos bugbugin sa Tagbilaran, Bohol, Martes ng gabi.

Kinilala ni Police Corporal Joseph Elic, ng Tagbilaran City Police Station ang nasawi na si Jessie Chan Romorosa, 39, residente  ng Barangay Tupas, Antequera.

Sinabi ni Elic na inimbitahan si Romosora ng isang kaibigan sa isang pistahan sa bahay ng nakilala bilang Dioscoro Daño sa Sitio Candait, Barangay Dampas, Martes ng hapon.

“They had a drinking session. But at past 6 p.m., when Daño took a rest, a commotion transpired,” sabi ni Elic.

Binugbog umano si  Romosora ng anak ni Daño’ na si Jestoni, 28 dahil sa pagkuha ng ilang panty sa mga nakasampay na nilabhan sa kanilang bahay.

Pinigilan ng nakakatandang Daño ang anak na bugbugin ang biktima at humingi pa ng tulong sa mga tanod ng barangay.

“The younger Daño hurriedly left the house after mauling Romarosa,” sabi ni Elic.

Rumesponde ang mga miyembro ng Tagbilaran City emergency response unit sa lugar para dalhin si Romorosa sa ospital bagamat dead on the spot ang biktima.

Pinalo ang biktima ng matigas na bagay at nagtamo ng matinding pinsala sa likuran ng kanyang ulo at kanang kilay.

Sinabi ng mga pulis na natagpuan ang dalawang panty sa loob ng brief ng biktima.

Pinaghahanap naman ang suspek na patuloy na nagtatago.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending