DJ Jasmin ng MOR 101.9 pumanaw na sa edad na 35
SUMAKABILANG-BUHAY na si DJ Jasmin ng MOR (My Only Radio) 101.9 kaninang madaling-araw matapos makipaglaban sa sakit niya sa kidney. Siya ay 35 years old.
Bago pumanaw si DJ Jasmin o Jasmin Basar sa totoong buhay, ilang buwan na rin siyang sumasailalim sa dialysis habang naghihintay ng match para sa kidney transplant. At kahit na may dinaramdam, patuloy pa rin siyang umeere sa MOR via phone patch mula sa kanilang tahanan.
Sa Facebook account ng MOR, nagpaabot agad ang kanyang mga kapamilya ng maiksing mensaheng, “Salamat, Jasmin. Mahal ka namin.”
Nag-post din sa kanyang social media account ang co-host ni DJ Jasmin sa “Dear MOR” na si DJ Popoy ng mensahe para sa pumanaw na kaibigan. Aniya, “Baby girl Jasmin Balong, Jr, the Turd. Mami-miss kita Manang Jasmin ko.
“Kwentuhan, asaran, payuhan na pang sating 2 lang. Tunay kang kaibigan Jasmin.
“Magpahinga ka na. Gabayan mo kami. Goodbye partner. I love you!”
Emosyonal din ang message ni DJ Chacha sa pagpanaw ng kaibigan, “Sa ganitong itsura mo gusto kitang maalala. Masaya at malakas.
“Habang buhay kong ipagpapasalamat na nagkaroon ako ng pagkakataon makatrabaho ka mars.
“Mamimiss naming lahat ang mga ngiti mo ang halakhak mo, ang mga hugot mo sa radyo.
“Hindi ka na mahihirapan ngayon mars. I-hello mo ko kay Lord diyan. See you soon, DJ Jasmin.
“Lord tulungan mo po kaming mga naiwan ni Jasmin lalo na ang pamilya at malalapit na kaibigan niya makayanan ito.”
Sa panayam ng Rated K kay DJ Jasmin noong nabubuhay pa ito, sinabi niya na lalabanan niya ang kanyang sakit hanggang sa huli, “Bakit ako? Sa dinadami ng tao sa mundo na masasama, why me? Gano’n ka ba kabilib sa akin, Lord, sa powers ko, at iyon agad ang binigay mong pagsubok, agad-agad?
“I always put in mind, everything will be alright in the end, that I will be able to get back to my old life, and make it a better one,” aniya pa.
Si DJ Jasmin ay graduate ng Communication Arts sa Far Eastern University. Nagsimula siyang maging DJ sa MOR noong 2009 hanggang sa makilala na siya ng madlang pipol sa programa niyag “Dear Jasmin.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.